SUNDALO GALING SA LAMAY PATAY SA AKSIDENTE

ZAMBOANGA DEL SUR – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang miyembro ng Philippine Army na natagpuang patay at nakabulagta sa gilid ng highway sa Barangay Baloybuan, Pagadian City sa lalawigan.

Ayon sa report ng Pagadian City Police, Linggo ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na si Army Sergeant Erlito Guinalaran Pacaña, residente ng Barangay Langapod, Labangan, Zamboanga Del Sur. Nakahandusay ito sa tabi ng kanyang motorsiklo.

Ayon sa mga kaibigan at kakilala ng biktima, huli itong nakitang buhay noong Sabado ng gabi sa lamay ng isang sumakabilang buhay na kapwa sundalo sa lugar.

Pinaniniwalaang naaksidente ito sa motorsiklo habang pauwi mula sa lamay.

Ngunit isinailalim sa pagsusuri ang labi ng biktima para mabatid ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.

(NILOU DEL CARMEN)

57

Related posts

Leave a Comment