SUNDALO PATAY SA TUMAWID NA ASO

BATANGAS – Patay ang isang miyembro ng Philippine Air Force matapos na matumba ang minamaneho nitong motorsiklo at masagasaan ng kasunod na truck dahil sa tumawid na aso sa highway sa Barangay Talaga, Tanauan City sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Alvin Agoho, 37-anyos, residente ng Lipa City at nakatalaga sa 15th Strike Wing Unit ng Philippine Air Force sa Danilo Atienza Air Base, Sangley Point, Cavite.

Batay sa report ng Tanauan City Police, dakong alas-12:40 ng madaling araw, galing sa direksyon ng bayan ng Talisay, tinatahak ng motorsiklo ng biktima ang national highway patungo sa direksyon ng Tanauan City proper nang biglang may tumawid na aso sa dinadaanan nito.

Dahil dito, natumba ang motorsiklo at nasagasaan ang sundalo ng kasunod na fish dealer truck na minamaneho ni Ronald Allan Catangay.

Dumanas ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad isinugod sa Laurel District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ikinustodiya naman ng Tanauan City Police ang driver ng nakasagasang truck habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment