TARGET SA ILLEGAL DRUGS, 1 PA TIMBOG

NASADLAK sa likod na rehas na bakal ng Manila Police District – Barbosa Police station 14, ang isang hinihinalang tulak ng shabu, at nadamay ang umano’y kasabwat nito, sa inilatag na buy-bust operation sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Coromina Street, Barangay 391 sa Quiapo, Manila.

Kinilala ang target sa operasyon na si Auria Ferrer, 36, dalaga, ng Barangay 485, habang arestado rin ang umano’y kasabwat nito na si alyas “Rodolfo”, 39, ng Sampaloc, Manila.

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-10:40 ng gabi nang posasan ng mga awtoridad ang suspek sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na limang gramo ang timbang at katumbas ng halagang P34,000.

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

(RENE CRISOSTOMO)

149

Related posts

Leave a Comment