TRABAHADOR SA NIYUGAN PATAY SA PAMAMARIL

QUEZON – Patay ang isang magsasaka na trabahador sa isang coconut farm matapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Calimpak, sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan noong Lunes ng umaga.

Idineklarang dead on the spot ng mga awtoridad ang biktimang kinilala sa pangalang “Rudy”, 49-anyos, dahil sa tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Ayon sa report ng Guinayangan Police, nangangawit ng niyog ang biktima sa coconut plantation na pag-aari ng isang Maverick Sales, nang dumating sa bukid ang suspek at malapitan itong binaril sa ulo.

Mabilis ding tumakas ang suspek na naglakad patungo sa bulubunduking bahagi ng lugar matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari at inaalam ang motibo at kung sino ang suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment