TRICYCLE DRIVER BINOGA SA ULO SA FOOTBRIDGE

QUEZON – Dead on the spot ang isang 48-anyos na tricycle driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa footbridge sa Brgy. Buenavista East, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Agaton De Silva, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng Candelaria Police, naglalakad ito sa footbridge dakong alas-9:20 ng gabi nang biglang lumitaw ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima.

Sabog ang ulo nito na siyang agarang ikinamatay ng biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Candelaria Police at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo sa pamamaril.

(NILOU DEL CARMEN)

88

Related posts

Leave a Comment