BUNTIS NALUNOD SA IRRIGATION CANAL

TAYABAS CITY – Nalunod ang isang buntis sa irrigation canal sa Brgy. Opias, Tayabas City nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng biktima na si Mary Joy Sagun Diala, 26-anyos.

Ayon sa report, nag-iisang naglalaba ang biktima sa lugar pero nang mag-aalas-5:00 ng hapon ay nadiskubre ito ng kanyang mga kaanak na walang buhay sa mababaw na canal.

Ayon sa pamilya nito, madalas na nakararanas ng pagkahilo ang biktima dahil sa kanyang pagdadalantao at mayroon din itong history ng epilepsy.

Ayon naman sa pulisya, posibleng nahilo ito at nawalan ng malay ngunit sa kasamaang palad ay sa tubig bumagsak at napahiga.

(NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment