HINDI nakalusot sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang isang 19-anyos na lalaki makaraang makumpiskahan ng patalim nang sitahin habang umiihi sa pader noong Lunes ng hapon sa A. Mabini St., malapit sa Quirino Avenue, Malate, Manila.
Bukod sa kasong paglabag sa City Ordinance 1054 (Urinating in Public Place), nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance 864-C (Concealing Deadly Weapon), in relation to Omnibus Election Code, ang suspek na si “Adrian”, ng Malate, Manila.
Base sa ulat ng pulisya, habang nagpapatupad ng anti-criminality operation ang mga awtoridad na lulan ng mobile car, dakong alas-4:30 ng hapon, nang mamataan nila ang suspek na kahina-hinalang ang kilos.
Pagkaraan ay umihi sa pader ang suspek kaya agad na sinita ng mga awtoridad kung saan nakumpiskahan ito ng patalim.
Hinihinala ng mga awtoridad na holdaper ang suspek dahil armado ito ng patalim.
(RENE CRISOSTOMO)
225