PANAHON na para bigyan ng hazard pay ang mga barangay worker sa pagganap ng kanilang tungkulin sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 1834 na inihain ni Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo dahil hindi umano matatawaran ang papel na ginagampanan ng mga barangay health worker.
Ayon sa mambabatas, nagpatupad ng iba’t ibang community quarantine ang gobyerno para makontrol ang paglaganap ng COVID-19 subalit lahat ng essential workers kasama na ang mga barangay worker ay kailangang lumabas sa kanilang bahay para gampanan ang kanilang tungkulin.
Gayunpaman, hindi tulad ng ibang essential workers, hindi sakop ng Civil Service Commission (CSC) ang mga barangay worker na kinabibilangan ng health workers, tanod at mga empleyado kaya hindi kasama ang mga ito sa benepisyong tinatanggap ng government employees.
“All of these Barangays and their workers who served for the general welfare of their community members are vital in ensuring that all groups, sectors and communities are protected from the pandemic and are reached by the government,” ani Crisologo. (BERNARD TAGUINOD)
