MAHIGPIT na binabantayan ang mga lalawigan ng Batangas at Pampanga na katabi lamang ng mga lalawigan sa boundary ng National Capital Region plus bubble, dahil sa patuloy na pagtaas ang bilang ng COVID-19 cases sa loob lamang ilang linggo.
Ayon sa bagong ulat na inilabas ng OCTA Research Group, pumalo sa 141% o 150 ang bagong kaso sa Batangas sa loob lamang ng halos isang linggo (Marso 17-23) kumpara sa dating 62 new cases noong unang linggo ng buwan.
Sumipa naman sa 86% o 121 ang bagong kaso sa lalawigan ng Pampanga na dating 65 lamang.
Bunsod nito, nagsasagawa ng mahigpit na pagbabantay sa nasabing mga probinsya at pinag-aaralan ng pamahalaan na isama ang mga ito sa loob ng ‘bubble plus’ kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. (CYRILL QUILO)
