BATAS VS AYAW MAGPABAKUNA HINDI PA KINAKAILANGAN

AYAW munang kalampagin ng Malakanyang ang Kongreso o ang Local Government Units (LGUs) para magpasa ng batas o ordinansa para gawing mandatory ang COVID-19 vaccination.

“Gaya ng sinabi ko po ‘no, ‘nullum crimen, nulla poena sine lege’ – kinakailangan ng batas para po ma-require itong mandatory vaccination at iyong ipapataw na parusa doon sa ayaw magpabakuna. So madali naman pong i-request iyan sa Kongreso dahil alam naman po ng Kongreso rin ang importansya nitong pagbabakuna,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Subalit, gaya aniya ng sinabi ng pangulo na sana aniya ay hindi na umabot sa puntong kailangan pang kumilos ang Kongreso at LGUs dahil naniniwala aniya siya na marami ang talagang nakakaintindi na bakuna ang susi sa pagsalba ng buhay.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Sec. Roque ang banta ng pangulo na kulong o bakuna.

Sa jurisprudence aniya ng Pilipinas at ng Amerika, pwedeng ma-compel o ipatupad ang compulsory vaccination pero kinakailangan na may legal na basehan. (CHRISTIAN DALE)

172

Related posts

Leave a Comment