Bawas gov’t workforce tinabla ni PBBM WALANG SIBAKAN

TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.

Sa Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ginawa ni Pangulong Marcos ang pagtanggi matapos mapag-usapan ang ideya sa isinagawang unang Cabinet meeting sa Malakanyang.

“We don’t want anyone out of ..a job at this point,” ayon kay Tulfo kung saan kinu-quote si Pangulong Marcos.

“Ito sagot ng Pangulo matapos iprisinta ang ideya sa kanya na magbawas siguro ng tao para makatipid ang gobyerno sa ilalim ng pandemic recovery,” ang pahayag ni Tulfo.

Nauna rito, nilagdaan ni Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez ang isang Memorandum Circular kung saan nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng Hunyo 30 o nang magsimulang umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang mga ito, ayon sa MC 1 ay “all presidential appointees whose appointments are classified as coterminous; all presidential appointees occupying positions created in excess of the authorized staffing pattern; all non-career executive service officials occupying career executive service positions; and contractual and/or casual employees.”

Ang dokumento ay inisyu noong Hunyo 30 subalit ipinalabas sa media kamakailan lang. (CHRISTIAN DALE)

70

Related posts

Leave a Comment