PEKENG RECRUITER NG SUNDALO, ARESTADO

CAVITE – Arestado ang isang gang leader na pekeng recruiter ng militar, sa Purok 3, Brgy. Santol, sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Victor Sobrepena ng Criminal Investigation and Detection Group ng Laguna Provincial Field Unit, ang suspek na si Mark Cris Muega alyas “Jap”.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) na ibinaba ni Judge Luvina Padolina Roque ng Regional Trial Court ng San Pablo City, isinagawa ang manhunt operation kay Muega

Base sa ulat ng mga awtoridad, nagpapakilala si Muega sa kanyang mga nabiktima na miyembro siya ng Army Reserved  Command (ARESCOM) na nakatalaga sa Tanza, Cavite.

Pinangakuan nito ang kanyang mga biktima na tutulungan sila na maging miyembro ng CAFGU at ARESCOM kapalit ang malaking halaga.

Itinuturong lider din umano si Muega ng criminal group na sangkot sa pagnanakaw at pangingikil sa mga probinsya ng Laguna at Cavite.

Nakatala ang suspek bilang no. 4 most wanted person, provincial level, ng Laguna Police Provincial Office.

Nasamsam ng mga operatiba ang iba’t ibang ilegal na armas at ilang uniporme ng militar. (CYRIL QUILO)

84

Related posts

Leave a Comment