PATULOY na nababawasan ang shortlist ng mga kandidato na target mapasama sa gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“The shortlist is getting shorter, let me put it that way. If we started with 10 names, a dozen names, we are down to maybe three or two in each of those departments,” ayon kay Marcos sa press conference sa Mandaluyong City nang tanungin kung nakapagtalaga na ito ng mamumuno sa Department of Health (DOH) at Transportation (DOTr).
Sinabi ni Marcos na maaaring magbigay siya ng mas maraming pangalan ng Cabinet officials sa susunod na dalawang linggo bago ang kanyang inagurasyon sa National Museum sa Maynila sa Hunyo 30.
“We are coming around to that. I wouldn’t be surprised if we have an appointee or a nominee within the next week or so. I really want to get as many of those done before the inauguration,” dagdag na pahayag nito.
Aniya pa, mayroon siyang “fairly good idea” hinggil sa kung sino ang susunod na hepe ng DOTr.
Darating din naman aniya ang tamang panahon na iaanunsyo niya ito.
Isang listahan naman ng sinasabing Cabinet members sa ilalim ng Marcos administration ang kumakalat ngayon sa online.
Subalit sinabi ng kampo ni Marcos na nananatili silang nasa proseso ng pagkumpleto kung sino ang mga magiging miyembro ng gabinete.
“As of Monday,” may 24 na pangalan na ang opisyal na inaunsyo na mamumuno sa mga departamento sa ilalim ng Marcos administration.
Karamihan sa mga Kalihim na ito ay daraan sa Commission on Appointments sa Kongreso para sa kumpirmasyon. (CHRISTIAN DALE)
99