GOV’T HOUSING PROJECT SA NE PINASINAYAAN

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya para matupad ang pangako na magtayo ng isang milyong low-cost housing units kada taon.

Ang pangakong ito ni Pangulong Marcos ay sinabi niya sa groundbreaking ng Palayan City Township Housing Project sa Nueva Ecija, at sinabing tutulungan ang mga “homeless” at minimum wage earners na nangarap na magkaroon ng sariling bahay.

“I am glad that we are continuing. This is not the first groundbreaking that I have attended. I know that it will not be the last, and that we will continue to break ground in different parts around the country para naman ‘yung ating pinapangarap na 1 million homes a year,” ang wika ng Pangulo.

“‘Pagka naabot natin, at least napakalaking bagay na ‘yan na nabigyan natin ng solusyon ang problema ng pabahay ng ating mga kababayan,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at local government units (LGUs), para sa kanilang tungkulin na ipatupad ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.

Inaasahan na makalilikha ng 1.7 milyong trabaho ang nasabing proyekto kada taon mula 2023 hanggang 2028.

“Building six million houses is the target of President Marcos Jr. I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” sabi naman ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa ngayon ay mahigit 6 million ang backlog sa pabahay sa bansa na nais aniya ni Marcos na maresolba bago matapos ang termino nito sa 2028.

“Six million houses may be just another target to accomplish, but imagine giving six million families houses they can call their own. That is not only addressing the housing backlog, it is also realizing the dreams of millions of Filipinos who yearn for a house they can call their own,” dagdag pa ni Romualdez. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

31

Related posts

Leave a Comment