Karapatan sa WPS igiit PBBM ‘DI DAPAT LALAMYA-LAMYA SA CHINA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

DAPAT manindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ipakita ang matibay na paggiit sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pahiwatig ito ni Senador Risa Hontiveros na nagsabing kailangan igiit ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas sa kanilang magiging pagpupulong ni Chinese President Xi Jinping.

Giit ng senador, dapat nasa konteksto ng paglusob ng Beijing sa hurisdiksyon ng Pilipinas ang pakikipag-usap ni Marcos Jr. sa lider ng China.

Bukod dito, dapat din aniyang tuparin ni Marcos ang binitiwang salita sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na hindi isusuko ng Pilipinas ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa.

“I would want for President Marcos to make it clear to President Xi Jinping what he had committed during his SONA: not to give up a square inch of Philippine territory,” ani Hontiveros.

Dagdag pa ng senadora: “I expect nothing less than a firm assertion of our sovereign and legal rights in the West Philippine Sea. Everything that is to be discussed should be in the context of China’s incessant incursions in our territories; therefore, every prospective deal or engagement should be premised upon China’s recognition of the Philippine’s rightful ownership of the WPS”.

Dapat din aniyang kilalanin at igalang ng China ang 2016 arbitral ruling bago simulan ng Manila at Beijing ang pag-uusap sa joint exploration sa bahagi ng pinaglalabanang karagatan.

Noong 2016, pinawalang-bisa ng Permanent Court of Arbitration ang nine-dash line claim ng China at kinatigan na ang Pilipinas ay may eksklusibong mga karapatan sa soberanya sa WPS.

US nanggagatong

Kaugnay nito, inakusahan ng Chinese embassy sa Maynila ang Estados Unidos na ginagatungan ang Pilipinas na magalit sa China matapos ungkatin ng US State Department ang usapin sa pagdagsa ng Chinese vessels sa Spratlys at pakialaman ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Sa isang kalatas, sinabi ng Chinese embassy na patuloy na nakikialam at sumasawsaw ang US sa isyu ng South China Sea disputes na lumilikha ng tensyon at nakasasama sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

“The statement on the South China Sea by the spokesperson of the US Department of State on December 19th contains unfounded accusations against China that attempt to stir up troubles and drive a wedge between China and the Philippines,” ayon sa Chinese embassy. (May dagdag na ulat si (CHRISTIAN DALE)

33

Related posts

Leave a Comment