Kinuwestyon ng netizens APPOINTMENT NI IMELDA PAPIN BAYAD-UTANG?

ITINUTURING ng mga netizen na isa na namang bayad-utang ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Imelda Papin, tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress, bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Si Papin ay nanumpa sa kanyang tungkulin sa harap ni Pangulong Marcos, noong Martes, Hunyo 4.

Noong Abril nang umugong ang balita na itatalagang chairperson ng PCSO si Papin.

Matatandaang ilan sa malalaking donors sa kampanya ni Marcos ang naitalaga rin sa pwesto tulad ni Melquiades A. Robles, na ngayon ay PCSO chief; Antonio Ernesto “Anton” Floirendo Lagdameo Jr., nagsisilbing Special Assistant to the President (SAP), DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at Hubert Dominic Guevara.

Sa kaso ni Papin, maraming netizens ang diskumpyado dahil sa kakulangan umano nito ng kaalaman sa magiging trabaho sa gobyerno.

Tanong pa nila, ano ang qualifications ni Papin maliban sa pagiging malapit sa mga Marcos.

Basahin ang mga komento sa X:

Kristoffer:
The bayad utang continues…

Gerald:
Nagka leche leche na talaga sa @PCSO. May Melyonaryo Robles na, May Melyonarya Papin pa.

Azar:
Dadalas pa lalo jackpot win. Ngayon 2.4x per week may tumatama. 1x per wk lang panahon ni PNoy.

WeAreDoom:
Wala ma bang ibang makuha?

Rene:
Lalong uusok ilong ng mga dating loyalists na di nabigyan ng pwesto. Kaya patuloy nagkakahetor-hetot ang Pilipinas.

Wrightnow:
Roque etal must be gnashing their ill fitting dentures due to envy and anger by now. The new appointee does not have the qualifications as an acting member of the board other than being paid back re: election campaign.

Rene G:
Kapag may bagong appointed dapat ipaalam kung ano ang qualifications at bakit na appoint!

Ricky:
Ayan me entertainment na sa pcso. Bka once a month nlng ang winner ah hehehe

iMoymoy:
It’s payback time. That’s political patronage, I guess. Tulad din nung inappoint na OBOB. Hmmmm

lionheart:
Isang linggong may milyonaryo

kapitbahay:
OMG payback talaga

gembot:
Dapat yata si Eva Eugenio… Para masabing, “O tukso, layuan mo ako!”

Rich:
Maiingit nanaman si Oropesa

Phillip:
Imelda Papin’s several decades of ass licking to the Marcoses finally paid off.

Dayunyor:
This one has also a MEL in her name. Puro MELyonaryo ba ang ginawaga dyan? Buti na lang hindi si AnnaBEL Rama ang ipwinesto.

JV:
Bukod sa pag kanta at loyalist. Sorry to ask, ano po ang alam or experience nya ?

Lw1N:
Anong alam nya?Haist. Sa paghahanap ng trabaho ng regular na tao napakaihirap dahil sa kwalipikasyon, kahit tipon ang galing mo na ligwak ka pa, tas yung mga namumuno yung iba walang background. Lord bakit??????

sikreto:
Bayad-utang na loob, ganon?! @bongbongmarcos

62

Related posts

Leave a Comment