6 PATAY SA NASUNOG NA FISHING BOAT SA CEBU

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard- Cebu na anim na crew ang namatay sa nasunog na fishing boat noong Miyerkoles ng gabi sa karagatang sakop ng Naga City, sa Southern Cebu.

Sa pahayag ni Captain Jerome Lozada ng PCG Cebu, namatay ang anim na crew ng FBCA King Bryan na nasunog dakong alas-8: 25 ng gabi.

Lima namang crew ang na-rescue at nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa paso at iba pang mga pinsala. Isa sa mga ito ang nasa kritikal pang kalagayan.

Unang iniulat noong Miyerkoles ng gabi na dalawang 2 crew ang unang nakitang wala nang buhay na lulutang-lutang sa tubig at isa ang walang malay nang masagip at dumanas ng third degree burns matapos magliyab ang motorbanca habang nasa gitna ng dagat.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng CGS Central Cebu at CGSS Naga, at na-rescue ang lima at nakita na rin ang 3 missing crew.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang dahilan ng pagkasunog ng fishing boat. (NILOU DEL CARMEN)

40

Related posts

Leave a Comment