PBBM NASA SINGAPORE PARA SA ASIA SUMMIT

DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore, Miyerkoles ng hapon, Mayo 29, para dumalo sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), dumating ang Pangulo sa Singapore ng alas-4:52 ng hapon.

Ang Pangulo ay nagmula sa kanyang two-day state visit sa Brunei Darussalam kung saan sinelyuhan ang kasunduan sa iba’t ibang larangan gaya ng maritime cooperation, turismo, seafaring, at agrikultura at nakipagpulong sa business leaders ng Sultanate.

Sinabi ng Pangulo sa isang panayam sa Brunei, na ang kanyang keynote address sa Shangri-La Dialogue, itinuturing bilang “Asia’s premier defense and security gathering” ay nakatuon sa posisyon ng Pilipinas sa ‘defense at diplomacy’ at commitment nito sa rules-based order at constructive multilateralism sa gitna ng geopolitical tensions sa Indo-Pacific region.

Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang Filipino president na magtatalumpati sa forum, na nakatakda ngayong Biyernes ng gabi, Mayo 31.

Samantala, inaasahan naman na dadalo sa Shangri-La Dialogue ang maraming stakeholders sa larangan ng tanggulan o depensa, mula heads of governments, heads of states, at defense of ministers hanggang sa industry players mula sa 40 bansa kabilang na ang Tsina.

Matatandaang, naghayag ng kanilang keynote addresses ang ilang world leaders tulad nina Australian Prime Minister Anthony Albanese noong 2023; Thailand Prime Minister General Prayut Chan-O-Cha noong 2016; Malaysian Prime Minister Dato Sri Najib Tun Razak noong 2011; Republic of Korea President Lee Myung-Bak noong 2010; at Australian Prime Minister Kevin Rudd noong 2009. (CHRISTIAN DALE)

38

Related posts

Leave a Comment