PENSION FUNDS ‘DI KASALI SA MIF – PALASYO

WALANG balak ang gobyerno na gamitin ang state pension funds bilang “seed fund” para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito na ito’y “good investment.”

“Of course, ah no, I agree. We have no intention of using… kukuha tayo ng pera ng pension fund,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We will not use it as a seed fund. However, if a pension fund, which is what pension funds do, is they invest. If the pension fund decides that Maharlika fund is a good investment, it’s up to them if they want to invest in it,”dagdag na wika nito.

Kasunod ng marathon deliberations, inaprubahan naman ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng sovereign wealth fund.

Nakasaad sa panukala na ang pondo ng MIF ay huhugutin mula sa Land Bank of the Philippines (LBP): 50 bilyong piso; Development Bank of the Philippines (DBP): 25 bilyong piso at National Government: P50 bilyon. (CHRISTIAN DALE)

367

Related posts

Leave a Comment