PHILHEALTH COVERAGE PALAWAKIN – PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawakin ang sakop nito upang mabigyan ng mas maraming benepisyo ang mga miyembro nito.

“Marcos met PhilHealth officials led by its acting president and CEO Emmanuel Ledesma Jr., to discuss its short-term plan in the first six months of 2023 during a meeting at Malacañang Palace,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Kabilang sa mga plano ay itaas ang hemodialysis coverage mula 90 hanggang 156 sessions, pagpapawalang-bisa sa “pay-whichever-is-lower corporate policy” sa pagbabayad ng claims at itaas ang case rate ng top four packages sakop ang 25% ng filed claims.

Sinabi ng PhilHealth na itataas nito ang dialysis support ng “three times a week” para sa outpatients, katumbas ng full weekly coverage annually sa pinalawak na coverage nito. (CHRISTIAN DALE)

276

Related posts

Leave a Comment