WATER MANAGEMENT OFFICE APRUB KAY PBBM

MAY go signal na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglikha ng Water Resource Management Office (WRMO) para pangasiwaan ang water resources ng bansa.

Ito rin ang tutugon sa kasalukuyang environmental challenges sa pamamagitan ng pagsisikap ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at sa tulong ng lahat ng sektor ng lipunan.

Sa isinagawang multi-sectoral meeting sa Malakanyang, tinalakay ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpaplano na may kaugnayan sa water management, binigyang diin ang pangangailangan para sa plano na magsisilbi bilang roadmap para sa waste management agencies.

“Kaya nga kailangan sumunod sa plano. That’s why we have to strengthen the mandate of the Water Management Office. We have to bring them together so that they are all following the overall plan,” ang wika ni Pangulong Marcos.

“So that whatever the relationship we come to with MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) and Local Water Utilities Administration (LWUA) and the Water Board, DENR (Department of Environment and Natural Resources) and this new Water Management Office, it has to be cohesive in the sense that kailangan ‘yung recommendation ng management office sinusundan,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Ipinanukala ni Pangulong Marcos na ang unang aksyon ng WRMO ay paano mabawasan na umasa sa groundwater at deep wells, gayundin sa pamamahala ng suplay ng bansa.

Ang WRMO ay isasailalim sa DENR at magiging transitory body habang nakabinbin ang paglikha ng Water Resources Department. (CHRISTIAN DALE)

109

Related posts

Leave a Comment