BODY CAMS BUENA-MANO SA DAVAO

SA hangaring tuldukan ang aregluhan sa mga transaksyon at operasyon kontra smuggling, sinimulan nang ipamahagi at ipagamit ng Bureao of Customs (BOC) sa mga kawani ng Port of Davao ang bahagi ng 200 bagong biling body-worn cameras sa pagpapaigting ng kampanya laban sa tiwali.

Bukod sa katiwalian, target din ng BOC ang aktuwal na kaganapan sa sa loob at labas ng ahensya bilang tugon sa Customs Memorandum Order 33-2021.

Sa ilalim ng nasabing memorandum order, obligadong isuot ng mga kawani ng nasabing ahensya para sa official customs activities, subalit hindi limitado sa controlled delivery operations, pagbabanatay ng duties at customs import exit gates, boarding formalities, pagdidispatsa ng mga kumpiskadong epektos, pagsusuri ng mga kargamento at maging sa programa kontra fuel smuggling.

Sa pangunguna ni BOC-POD District Collector Atty. Erastus Sandino Austria, isinailalim din sa isang orientation session ang mga tanggapang naatasang gumamit ng mga nasabing makabagong gadgets na may kakayahang i-dokumento ang bawat kaganapan sa mga pagganap ng mandato ng nasabing ahensya.

Buwan ng Agosto nang bilhin ng BOC ang 200 piraso ng mga body cameras para sa modernisasyong inaasahang magpapalakas ng kakayahan ng kawanihan hindi lamang sa kampanya kontra katiwalian kundi maging sa aspeto ng border protection at pinaigting na kalakalan.

Paniwala ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, higit na malaki ang kitang dapat pumapasok sa gobyerno kung tuluyan nang matutuldukan ang nakagawiang areguhan sa mga transaksyon sa iba’t ibang pwerto ng kanilang kawanihan.

Ayon sa BOC, may kakayahang makapagbigay ng live feed ng actual footage at usapang nagaganap sa aktuwal na operasyon kaya naman wala anilang maaaring itago sa mga operasyon ng kanilang kawanihan.

342

Related posts

Leave a Comment