CAM NORTE’S TOP 3 MWP, NADAKIP NG PNP-PRO5

KUNG pag-uusapan ang tungkol sa top brass police leadership, si PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang una sa listahan.

Ito ay dahil sa sipag nitong magsagawa ng manhunt operations sa mga pinaghahanap ng batas kahit saan man madestino gaya ng pagkakadakip ng Paracale MPS sa most wanted person dahil sa kasong rape.

Ayon kay P/BGen. Estomo, nabatid sa ulat ng Camarines Norte PD, nadakip ng kanilang mga tauhan ang isang ‘gold panner’ na kinilalang si Jestoni America Geronimo, ang Paracale MPS top 3 MWP, na naninirahan sa Sitio Kulapnit, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Armado ng warrant of arrest, ikinasa ang manhunt operation ng PRO5 Labo MPS, Camarines Norte team (lead unit), katuwang ang RID RSOU5, PIT-Cam Norte, CIDG-Cam Norte, CNPHPT, CN MARSPSTA, CNPIU, 2nd CNPMFC, 94th SAC-SAF, RPDEU5 at PARACALE MPS, na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Juancho B. Ibis, sa ilalim ng direct supervision and control ni P/Col. Julius D. Guadamor, Camarines Norte PD.

Si Geronimo ay pakay ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Lumabad Intia ng RTC Branch 64, 5th Judicial Region, Labo, Camarines Norte. Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kaso ng suspek.

Napag-alaman, ang pagdakip sa suspek ay dahil sa umano’y panggagahasa nito sa isang menor de edad sa bayan ng Labo.

Agad na nagtago ang suspek nang malamang nagsampa ng demanda ang pamilya ng biktima hanggang sa matunton ng intelligence operatives ni Gen. Estomo sa Sitio Kulapnit, Brgy. Tugos, sa bayan ng Paracale.

“I do not want the barometers of our accomplishments to be just confined in writing and in records. Though it’s hard to quantify, the confidence of Region 5 citizens in the police force is beyond any statistical affirmation” ani Gen. Estomo. (JESSE KABEL)

285

Related posts

Leave a Comment