CAVITE – Swak sa kulungan ang live-in partners na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, nang madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiskahan ng halos kalahating milyong halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Eric” at “Maribel”, kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya, at matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, nakipagtransaksiyon ang mag-partner sa isang poseur buyer sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Drug Enforcement…
Read MoreCategory: BALITA
4 KATAO NASILO NG PDEA SA DRUG DEN SA PAMPANGA
ARESTADO ang apat na suspek sa ilegal na droga matapos salakayin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Pampanga Provincial Office, ang isang makeshift drug den na nagresulta rin sa pagkumpiska sa humigit-kumulang 10 gramo ng umano’y shabu kasunod ng buy-bust operation sa Barangay Sta. Cruz noong kasagsagan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Crising. Nadakip sa inilunsad na anti-narcotics operation ang apat na drug personalities na kinilalang sina alyas “Bulate”, 37; “Joe”, 29; “JJ”, 42; at “Mike”, 40-anyos. Nasamsam ng mga operatiba ang 11 piraso ng…
Read MoreCHINA UMAPELA SA PHILIPPINE ENVOY SA ‘NEGATIVE MOVES’ NG PHL
UMAPELA ang China sa Philippine Embassy sa nasabing host country hinggil sa umano’y “negative moves” ng Pilipinas na nakaaapekto sa kanilang relasyon. Nabatid na naghain ng “stern representations” ang China sa Pilipinas bilang protesta nito sa umano’y latest negative moves na may kaugnayan sa Taiwan, maging ang iba pang maritime at security issues. Inihayag ni Department of Asian Affairs Director-General Liu Jinsong ang “stern representations” at “strong dissatisfaction”, kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz nitong nakalipas na linggo. Wala pang tugon ang Philippine Embassy sa Beijing kaugnay nito. Hindi…
Read MoreMAGNOBYO ARESTADO SA P1-M FAKE CELLPHONES
LAGLAG sa bitag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang magnobyo na magkapartner sa pagbebenta ng mga pekeng cellphone. Ayon sa PNP-CIDG, pasado alas-11 ng umaga nitong Sabado, ikinasa ang entrapment operation laban sa dalawa na nagresulta sa pagkakasamsam sa tinatayang isang milyon pisong halaga ng pekeng cellular phones. Nabatid na naaktuhan ang dalawang suspek na bitbit ang 31 piraso ng pekeng cellphones na tinatayang P955,650 ang halaga. Pagkaraan ay itinuro ng mga suspek kung saan nakalagay ang cellphone accessories na ibinebenta rin nila sa area. Ayon sa…
Read MoreGINANG TIMBOG SA ONLINE SELLING NG ABORTION PILLS
ARESTADO ang isang ginang makaraang umano’y magbenta ng abortion pills sa ikinasang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation makaraang inguso ng isang delivery rider ang operasyon ng suspek sa Maynila. Nadakip ng mga tauhan ng NBI Dangerous Drugs Division sa Maynila ang suspek sa inilatag na entrapment operation noong Hulyo 14. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nadakip ang suspek makaraang makipagtransaksyon ang isa nilang tauhan sa online selling nito ng “Do It Yourself” abortion kit. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Food and…
Read MoreNAGBENTA NG MOTOR, BUKING SA KIDNAPPING
INARESTO ng mga tauhan ng Plaza Miranda Sector 1 ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang isang lalaki makaraang mabuking ang kaso nitong kidnapping for ransom, nang magwala ang suspek matapos tanggihan ng buyer ang ibinibenta nitong motorsiklo dahil sa sirang susian sa Sta. Cruz, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Ian”, 28-anyos, tubong Bacolod City, walang permanenteng address, at may kasong kidnapping for ransom sa La Trinidad, Benguet. Ayon sa ulat ni Police Major John Peter Fallar, ng Plaza Miranda Sector 1 ng Station…
Read MoreCAGAYAN MULING NIYANIG NG 5.8 EARTHQUAKE
INAASAHAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na lilikha ng mahihinang mga pagyanig o aftershocks ang magnitude 5.8 earthquake na tumama sa bayan ng Cagayan nitong Linggo ng hapon. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang pagyanig sa bayan ng Calayan bandang alas-1:45 ng hapon nitong Linggo. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig bunsod ng paggalaw ng earth’s crust, may sampung kilometro ang lalim. Naramdaman ang lindol hanggang sa Claveria Cagayan, Penablanca sa Cagayan at Basco, Batanes. Noong Sabado ng umaga ay nagkaroon din ng 5.3 quake sa dagat sakop ng…
Read MoreMAULAN HANGGANG MARTES – PAGASA
NAGBABALA ang state weather bureau na kahit wala na sa Pilipinas ang Severe Tropical Storm ng Crising (International Name Wipha) ay posibleng makararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan hanggang Lunes o Martes na magdudulot pa rin ng pagbaha at posibleng landslides. Ayon sa datos ng Office of Civil Defense, mahigit 120 pamilya o nasa 370,289 indibidwal ang naapektuhan ni Crising at 6,720 pamilya o 22,623 katao ang nananatili pa rin sa 349 evacuation centers, habang 5,287 pamilya o 20,759 katao ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers. Sa datos…
Read MoreTAUMBAYAN LALONG MAGNGINGITNGIT KUNG HINDI MATUGUNAN GUTOM, KAHIRAPAN
LALONG magpupuyos sa galit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang taumbayan kapag hindi nito natugunan ang lumalalang kahirapan at kagutuman sa bansa dahil mas pinapaboran nito ang mayayaman kaysa mga ordinaryong manggagawa. Ginawa ng Gabriela sa pamamagitan ni Clarice Palce, secretary general ng grupo, ang pahayag kasunod resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan nakapagtala ng pinakamataas na disapproval rating si Marcos. “Numbers don’t lie: 66% disapprove of how Marcos Jr. handles inflation and 48% reject his wage record—the highest disapproval on record,” ani Palce. Base aniya sa…
Read More