PATROL VESSEL NG PHL MANANATILI SA WEST PHILIPPINE SEA

“WE will never leave this area. We’re still going to continue our patrol and support the livelihood of ordinary Filipino fishermen in the West Philippine Sea.” Ito ang matapang na sagot ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, matapos ang panibagong paggamit ng water cannon ng China Coast Guard sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsasagawa ng maritime patrol malapit sa Bajo de Masinloc, Lunes ng umaga. Una rito, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tuloy-tuloy ang presensiya ng mga patrol vessel…

Read More

MALIIT NA BARKO NG PCG PLANONG BANGGAIN NG CHINA COAST GUARD

LUMILITAW umano sa initial assessment ng Armed Forces of the Philippine, malinaw na sinadya ng mga barko ng China na ipitin at banggain ang maliit na barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Bajo de Masinloc sa Zambales. Mabuti na lamang umano at mabilis na nakaiwas ang PCG vessel kaya hindi natuloy ang banggaan at sa halip sa maling kalkulasyon at bilis ng takbo, ang dalawang barko ng China ang nagbanggaan. Sa ginawang panayam ng media kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner Jr. nang…

Read More

NORTH SOUTH COMMUTER RAILWAY PROJECT ITUTULOY NA

MATAPOS ang dalawang taon na hindi nagagalaw, maipupursige na rin ang North South Commuter Railway project ng Department of Transportation (DOTr) sa tulong ng Manila LGU. Nitong Martes ng umaga, personal na nagtungo sina Transportation Sec. Vince Dizon at Manila City Mayor Isko Moreno-Domagoso sa bahagi ng Old Antipolo Street kanto ng Abad Santos Avenue upang simulan nang gibain ang ilang mga istraktura. Dito rin inilatag ang mga plano sa gagawing proyekto na ayon kay Dizon ay nasa mahigit isang kilometro lamang. Aniya nai-award ang kontrata noong 2023 at ngayon…

Read More

PAY RULES SA AUG 21, 25 IPINAALALA NG DOLE

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa tamang kompensasyon para sa mga manggagawa na mag-uulat o papasok sa trabaho sa araw ng Ninoy Aquino Day at National Heroes Day. Ayon sa Labor Advisory No. 11 series of 2025, ang mga sumusunod na tuntunin sa pagbabayad ay dapat ilapat para sa Agosto 21 (Ninoy Aquino Day) at Agosto 25 (National Heroes Day) na mga special non-working holiday at regular holiday. Para sa Agosto 21 (Ninoy Aquino Day), special non-working day: – Kung ang empleyado ay hindi…

Read More

GURO BINARIL SA ULO NG IBINAGSAK NA ESTUDYANTE

LANAO DEL SUR – Binaril sa ulo ng isang estudyante ang kanyang guro nang ibagsak siya nito sa isang subject, sa loob ng campus ng Balabagan Trade School sa Barangay Narra, sa bayan ng Balabagan Ayon sa ulat ng pulisya, binaril sa ulo si Danilo Barba, 34-anyos, ng kanyang estudyante na si alyas “Juan”, 20-anyos na Grade 11 student, dahil lamang sa hindi nito pagpasa sa isang subject. Ayon sa Balabagan Municipal Police Station, inako ng suspek ang pagpaslang sa kanyang guro bunsod ng matinding galit sa ibinigay na failing…

Read More

2 BARKO NG CHINA NA HUMABOL SA PCG NAGBANGGAAN

SA halip na magalit dahil sa tangkang pagbomba ng water cannon at ginawang peligrosong pagmamaniobra ng isang China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy, nag-alok pa ng tulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga Tsinong marino nang magsalpukan ang kanilang mga barko sa paghabol sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng “Kadiwa Para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” operation malapit sa Bajo de Masinloc. Sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, nagbanggaan ang barko ng Chinese Navy at China Coast Guard bunsod ng…

Read More

P.5-M MARIJUANA NASABAT SA TULAK

CAVITE – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Kuya”, nasa hustong gulang, ng Brgy. Habay 1, Bacoor City. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Regional Police Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni PLt. Col. Wilfredo Jimenez Jr., kasama ang Bacoor Component City Police Station, sa Tirona Highway, Brgy. Habay 1, Bacoor City, bandang alas-12:50 ng gabi. Nang nag-abutan na ng ilegal na droga…

Read More

P612.5-M CONFI FUNDS MULING UURIRATIN SA BUDGET HEARING

MULING tatanungin si Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential funds na mahigit anim na raang milyong piso sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) na isa sa mga dahilan kung bakit ipina-impeach ito ng Kamara. Bukas, Miyerkoles ay inaasahang isusumite na ng Malacanang sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang 2026 National Budget na nagkakahalaga ng P6.793 Trilyon. “To the Vice President, eager na eager na po tayo na marinig ang sagot niyo at ipakita ang inyong ebidensya,” ani House deputy…

Read More

ALTERNATIBONG SISTEMA SA TOLL PAYMENT BILISAN – LCSP

HINIMOK ng Lawyers for Commuters and Protection (LCSP) ang Department of Transportation (DOTr) at ang Toll Regulatory Board (TRB) na maglunsad ng mas maraming toll payment options kasabay ng umiiral na RFID system. Nabatid na sa unang bahagi ng buwang ito, nagtakda si DOTr Secretary Vince Dizon ng timeline para sa Metro Pacific Tollways at San Miguel Corporation para maresolba ang RFID operational concerns sa unang kalahati ng 2026. Binigyang-diin din niya na ang buong interoperability—kung saan gumagana ang isang sticker ng RFID sa lahat ng tollway—ay nangangailangan ng pagresolba…

Read More