NABATID mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas ay patuloy na nagpapakita ng aktibidad ng volcanic earthquake at pagyanig na naitala noong nakaraang araw at nitong Miyerkules. Sinabi sa latest bulletin ng Phivolcs, dalawang volcanic earthquakes ang naitala sa nakalipas na 24 na oras. Habang ang mga lindol ay sinamahan ng pagyanig ng bulkan na tumagal ng limang minuto. Ayon pa sa Phivolcs noong Lunes, natukoy rin ang walong lindol at limang pagyanig, bawat isa ay tumatagal sa pagitan ng…
Read MoreCategory: BALITA
8 MANGINGISDA NASAGIP NG PHIL. COAST GUARD
WALONG mangingisda ang sinaklolohan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nagpapalutang-lutang ang kanilang nasirang fishing boat sa dagat malapit Zambales. Ayon sa Philippine Coast Guard, nakatangap ng distress call ang kanilang BRP Teresa Magbanua noong linggo ng gabi mula sa F/B Grey Erron, na nakararanas umano ng clutch disk transmission failure. Dahil sa nararanasang engine failure, naubusan umano ito ng supply ng kuryente habang nagpapalutang-lutang, may 70 nautical miles (129 kilometers) kanluran bahagi ng Botolan, Zambales. Nabatid din na isa sa walong sakay ng distressed vessel ay…
Read More3 KAWATAN SA ESKWELAHAN NASILO SA TULONG NG DRONE
CEBU – Kalaboso ang tatlong lalaki makaraang matunton ng drone pagkatapos nilang pagnakawan ang isang eskwelahan sa bayan ng Medellin sa lalawigan. Ayon kay Police Regional Office 7 Director Brig. Gen. Redrico Maranan, Martes ng umaga ay sapilitang pinasok ng tatlong lalaki ang mga silid-aralan. Batay sa salaysay ng guwardiya, tinutukan siya ng baril, iginapos at pinasok ng mga suspek ang mga silid-aralan kung saan nila tinangay ang pera, iba’t ibang gamit at maging ang kanyang 9mm service pistol. Kaagad namang nagresponde ng Medellin Police katuwang ang Engineer Support Company…
Read MoreCOURT SHERIFF SINIBAK SA SUHOL SA DRUG CASE
NAGWAKAS ang career ng isang court sheriff makaraang tumanggap ng pera sa isang kaso ng ilegal na droga. Base sa inilabas na ‘per curiam’ decision ng Supreme Court En Banc, dismissed na mula sa serbisyo si Dwight Aldwin S. Geronimo, Sheriff IV ng Branch 121, Regional Trial Court sa Imus, Cavite. Maging ang kanyang mga benepisyo sa pagreretiro ay binawi rin kasabay ng pag-ban sa kanya na makakuha pa ng anomang trabaho sa gobyerno. Base sa Korte Suprema, nag-ugat ito matapos mangikil o humingi si Geronimo kay Antolyn Dones Gonzales…
Read MoreLINK KAY ATONG ANG ITINANGGI NG OVP SPOX
MARIING itinanggi ni Office of the Vice President (OVP) Ruth Castelo na mayroon siyang anomang kaugnayan sa negosyanteng si Atong Ang, di umano’y ‘utak’ sa pagkawala ng ilang ‘sabungero.’ Ang pahayag na ito ni Castelo ay tugon sa tanong hinggil sa sinasabing koneksyon niya kay Ang, partikular na ang naging papel niya bilang abogado nito noong 2007. Gayunman, kinumpirma ni Castelo na siya ay naging abogado ni Ang noong 2007 para sa plunder case, kung saan, sa kalaunan ay inilagay si Ang sa two-year probation period. “And as soon as…
Read MoreBanat ng mga netizen: RISA PALPAK NA ‘CAMPAIGN MANAGER’, REKLAMADOR
UMANI ng batikos si Senadora Risa Hontiveros matapos lumutang ang kanyang kapalpakan bilang “campaign manager” nina Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan noong 2025 senatorial race. Ayon sa isang Reddit user, tumigil sa pangangampanya si Risa para sa dalawang kandidato bago pa magsimula ang campaign period. Ito ang dahilan kung bakit hindi nakita si Risa sa proclamation rally nina Senador Aquino at Pangilinan sa Cavite, at tanging si dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo lang ang dumalo. Hindi rin siya humarap sa Kiko-Bam rally sa Iloilo,…
Read MorePAGKAKAISA PANAWAGAN PARA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BATANGAS
NANANAWAGAN ang mayorya sa mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan (Board Members) ng Batangas ng pagkakaisa sa kanilang hanay dahil hindi pa rin naipapasa ang Internal Rules of Procedure (IRP) o ang kanilang magiging gabay para sa pagganap ng mga sesyon para sa panlalawigan. Ito ay sa dahilang hindi pa inaaprubahan ang committee report na nilagdaan ng lahat ng Board Members sa isinagawang 2nd Regular Session noong ika-14 ng Hulyo 2025, na pinangunahan ni Vice Governor Hermilando Mandanas bilang presiding officer kaya nananatili pa rin sa Committee on Ethics, Accountability and…
Read MoreSa kabila ng pananahimik ng ilang pamilya KASO NG LOST SABUNGEROS MAGPAPATULOY – DOJ
TULOY sa pagkalap ng ebidensya ang Department of Justice (DOJ) kahit pa manahimik ang pamilya ng mga nawawalang sabungero. Sa isang press briefing, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi lang nakaasa ang kaso sa pamilya ng biktima dahil interes na ito ng bansa at taumbayan. Paliwanag ni Remulla, hindi magkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan kung may sistema na may mistulang panginoon na nagdedesisyon kung sino ang mabubuhay at mamamatay. Base sa ilang impormasyon, may mga pamilyang umatras sa kaso sa hinalang nabayaran, habang sinabi naman ni…
Read More18 PULIS SANGKOT SA KASO NG SABUNGEROS – NAPOLCOM
NILINAW ni Napolcom Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan, na hindi lang 12 kundi 18 ang mga pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros. Matatandaan na nagsampa ng reklamo ang whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy” sa central office ng Napolcom laban sa mga sangkot na pulis. Ayon kay Calinisan, ang complaint affidavit na isinampa ni Patidongan ay hindi 12 kundi 18 pangalan ng mga pulis kung saan ang 5 ay na-dismiss na sa serbisyo. Naunang ibinunyag ni Patidongan ang 10 pulis na sangkot sa pagdukot at umano’y pagpatay…
Read More