NAGHAIN ang grupong TINDIG Pilipinas ng reklamong obstruction of justice sa Office of the Ombudsman laban kina Senate President Alan Peter Cayetano, Senador Robin Padilla at suspendidong Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca. Kaugnay ito ng umano’y naging papel ng mga opisyal sa pagtulong kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa pag-aresto sa loob ng Senado sa kabila ng inilabas na arrest warrant laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC). Ayon sa grupo, ang reklamo ay bunga ng pagkabahala ng publiko sa mga ulat na posibleng may naging partisipasyon…
Read MoreCategory: BALITA
LUMALALANG GULO SA SENADO ISINISI SA MINORITY
TAHASANG sinisi ng mga kaalyado ng Majority Bloc sa Senado ang Minority Bloc sa lumalalang tensyon sa kapulungan at tinawag na “pagmamalinis” ang mga akusasyong sila umano ang dahilan ng pagkaantala ng mga mahahalagang panukala. Ayon sa mga miyembro ng mayorya, hindi makatarungan ang pagbibintang ng minorya na sila ang responsable sa mabagal na usad ng lehislasyon sa Senado. Iginiit nila na si Senate President Alan Peter Cayetano ay naupo lamang sa puwesto noong Mayo 11 at minana ang mga panukalang matagal nang nakabinbin sa nakaraang liderato. Binatikos din ng…
Read MorePBBM SA MGA SENADOR: GET BACK TO WORK!
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga senador na bumalik sa kanilang trabaho matapos muling mabalam ang sesyon ng Senado dahil sa hindi pagdalo ng majority bloc. Ayon sa Pangulo, mahalagang maipagpatuloy ang mga sesyon upang maisulong ang mga panukalang batas at iba pang mahahalagang agenda ng pamahalaan. “Because it’s important — ang dami nating kailangang gawin,” ani Pangulong Marcos sa isang ambush interview. Sinabi ng Pangulo na ang mga nagaganap na sigalot sa Senado ay nagdulot ng kaguluhan sa institusyon at nakaapekto sa mahahalagang tungkulin nito bilang mambabatas.…
Read MoreMARCOS JR. TINIYAK PANTAY NA PAGGALANG, PROTEKSYON SA LGBTQIA+
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng patas na proteksyon, paggalang at pantay na oportunidad para sa LGBTQIA+ community habang nakiisa sa pagdiriwang ng Pride Month. Sa kanyang mensahe, iginiit ng Pangulo na nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa pagtataguyod ng dignidad, inclusivity at equal opportunities para sa lahat ng Pilipino anoman ang kanilang pagkakakilanlan. “As we celebrate Pride Month, the government reaffirms a principle that must never waver: every Filipino is entitled to equal protection, equal opportunity, and equal respect under the law,” ani Pangulong Marcos. Binigyang-diin ng Chief Executive…
Read More‘PINOY 911’ ISINUSULONG NG LIDERATO NG KAMARA
SUPORTADO ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang pagtatatag ng bersyon ng Pilipinas ng isang pinagsama-samang emergency medical system na katulad ng 911 upang matiyak ang mabilis at de-kalidad na pagtugon sa oras ng emerhensiya. “Marami nang Pilipino ang pamilyar sa 911. Pero ang mas mahalagang tanong ay: kapag may tumawag sa 911, may maaasahan ba siyang mabilis, maayos, at de-kalidad na pagtugon? Iyan ang nais tiyakin ng panukalang ito. Hindi lamang hotline ang binubuo natin kundi isang integrated emergency medical services system na makapagliligtas ng maraming buhay,”…
Read MoreDILG: 19 KATAO NAISALBA MULA SA VAN NA NAHULOG SA BANGIN SA MARILAQUE
NASAGIP ang labingsiyam na katao kabilang ang pitong bata matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van sa kahabaan ng Marilaque Highway sa Sta. Maria, Laguna sa tulong ng Unified 911 Emergency Hotline. Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), mabilis na nailunsad ang rescue operation matapos makatanggap ng emergency call ukol sa aksidente malapit sa Barangay Laurel. “What could have ended in tragedy instead became a story of swift action, coordination, and lives protected. Moments after an emergency call was placed to 911 reporting the crash…
Read MoreDEATH TOLL SA GUMUHONG GUSALI SA PAMPANGA, UMABOT NA SA 20
UMAKYAT na sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong nine-storey under-construction building matapos makuha ang tatlo pang bangkay kahapon mula sa guho sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga. Hanggang nitong Martes ay nagpapatuloy pa rin ang search, rescue and retrieval operations para sa mga pinaniniwalaang nalibing nang buhay sa bumagsak na gusali. Narekober nitong Hunyo 2 ang karagdagang tatlong labi mula sa gumuhong siyam na palapag na gusali dahilan upang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi. Ayon kay Angeles City Public Information Officer Jay Pelayo, kabilang sa…
Read MoreSa iregularidad sa P2.2-B learning materials EX-EDUCATION MINISTER IQBAL KAKASUHAN SA OMBUDSMAN
MARIING iniutos ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua ang pormal na pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban kay dating Education Minister Mohagher Iqbal sa Office of the Ombudsman. Ang mga kaso ay may kinalaman sa naging resulta ng special audit na isinagawa ng Commission on Audit hinggil sa umano’y iregularidad sa pagbili ng P2.2 bilyong-halaga ng learning at training materials. Nabatid sa kanyang sulat kay Iqbal, sinabi ni Macacua na ang pagsampa ng mga kaso ang magbibigay kay Iqbal ng pagkakataon na…
Read MoreNLEX AT PAMPANGA GOV’T PINALAKAS KAHANDAAN SA KALAMIDAD
NAGSANIB-PUWERSA ang NLEX Corporation at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga upang palakasin ang katatagan ng probinsya sa mga sakuna habang papalapit ang tag-ulan. Nabatid na humigit-kumulang 40 kalahok mula sa mga pangunahing departamento ng provincial government, kabilang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Department of Public Works and Highways (DPWH), Office of the Provincial Agriculturist, at Provincial Health Office (PHO), ang dumalo sa dalawang araw na Policy-Making on Disaster Management Workshop noong Mayo 12 at 14 na pinangunahan ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF). Ang pangunahing layunin…
Read More