TINATAYANG nasa 10,000 miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang naglunsad ng biglaang kilos-protesta sa People Power Monument sa kahabaan ng EDSA at sa White Plains Avenue sa Quezon City, gayundin sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, kahapon. Ayon sa Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO), nanatiling “generally peaceful” ang pagtitipon sa kabila ng ilang insidente ng komprontasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na katao at pagkakasugat ng dalawang pulis. Sinabi ni Police Major Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO, na kabilang sa mga naaresto ang driver ng isang…
Read MoreCategory: BALITA
MMDA PINAKILOS ANG EOC SA GITNA NG EDSA RALLY
INAKTIBO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Emergency Operations Center (EOC) upang mapabilis ang koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng isinagawang pagtitipon sa EDSA. Ayon kay MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III, nagdeploy ang ahensiya ng karagdagang traffic personnel katuwang ang Philippine National Police sa kahabaan ng EDSA, partikular sa People Power Monument sa Quezon City. Sa direktiba ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, agad na tinikitan at itinow ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa EDSA-White Plains Avenue. Patuloy ring mino-monitor nina MMDA Assistant…
Read MoreGoitia: Bawat karapatan may kaakibat na pananagutan DUE PROCESS, MAPAYAPANG PAGTITIPON DAPAT MAY PAGGALANG SA BATAS
BINIGYANG-DIIN ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), na ang bawat karapatang nakasaad sa Saligang Batas ay may kaakibat na pananagutan, kasunod ng malawakang rally na nagdulot ng matinding pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila. Ayon kay Goitia, mahalagang igalang ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, ngunit hindi ito dapat magdulot ng labis na abala sa milyun-milyong Pilipinong nagtatrabaho, nag-aaral, bumibiyahe at naghahanapbuhay. Iginiit din niya na ang due process ay pangunahing karapatan ng bawat Pilipino at ang mga akusasyon ay dapat…
Read MoreNATIONWIDE FULL ALERT IKINASA NG PNP
ISINAILALIM ng Philippine National Police (PNP) sa full alert status ang buong bansa simula alas-8:00 ng umaga nitong Hunyo 30 upang paigtingin ang seguridad kaugnay ng isinagawang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument. Sa direktiba ni PNP Chief Police General Melencio C. Nartatez Jr., inatasan ang lahat ng Police Regional Offices at National Support Units na manatiling nakaalerto at handang rumesponde sa anomang insidente habang tinitiyak ang maayos na pagpapatupad ng kanilang mandato. Ayon sa PNP, layunin ng full alert status na mapanatili ang kapayapaan,…
Read MorePHILHEALTH PINALAWAK LEPTOSPIROSIS COVERAGE
SIMULA Hulyo 15, palalawakin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang coverage para sa moderate hanggang severe na kaso ng leptospirosis upang mas maraming pasyente ang makakuha ng kinakailangang gamutan. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapagaan ang gastusing medikal ng mga Pilipino. Sa ilalim ng bagong benepisyo, aabot sa P63,000 ang hospital care package, P170,000 para sa hemodialysis, at hanggang P230,000 para sa peritoneal dialysis. Maaari pang umabot sa P411,000 ang…
Read MoreHAZARD PAY SA LGU EMPLOYEES ISINUSULONG SA KAMARA
ISINULONG sa Kamara ang panukalang magbibigay ng hazard pay sa mga kawani ng local government units (LGUs) na nalalantad sa iba’t ibang panganib habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Inihain ni Nueva Vizcaya Rep. Atty. Timothy Joseph Cayton ang House Bill No. 9809 o Local Government Employees Hazard Pay Act of 2026. Saklaw ng panukala ang mga empleyadong nasa disaster response, sanitation, engineering works, environmental hazards, law enforcement at iba pang trabahong may mataas na antas ng panganib. Nakasaad sa panukala na ibabatay ang hazard pay sa aktuwal na panganib ng…
Read More3 TULAK ARESTADO SA DASMARIÑAS, CAVITE
SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak matapos nahulihan ng ilegal na droga at baril sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5(26) at 11 ng RA 9165 ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jessie”, “Paulo” at “Norman”. Ayon sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas Component City Police Station sa Sitio Pook, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City na nagresulta sa kanilang…
Read More4 SUSPEK NA SUGATAN SA ARAYAT, PAMPANGA ENCOUNTER PATAY NA
NALAGUTAN na ng hininga ang apat na suspek na naka-engkwentro ng mga pulis noong Hunyo 27 sa Arayat, Pampanga. Ayon kay PNP PIO chief, PCol Allan Rae Co, isinugod sa pagamutan ang apat na suspek subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon, gun for hire ang mga suspek na mga politiko ang target. Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga tauhan ng Pampanga SWAT ang mga suspek na walang habas na nagpaputok ng baril. Nang lapitan ng mga awtoridad, sa halip na sumuko ay pinaputukan ang…
Read MorePATONG-PATONG NA KASO VS 3 SUSPEK SA NLEX ENCOUNTER
PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng Philippine National Police (PNP) sa tatlong suspek na naka-engkwentro ng mga pulis noong Biyernes sa NLEX. Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information chief, PCol. Allan Rae Co, kasong frustrated murder, paglabag sa Republic Act 10591, Republic Act 9561 at direct assault ang isinampa sa mga suspek. Ayon kay Co, ang naarestong mga suspek ay responsable sa serye ng holdapan at nakawan sa Central Luzon at Region 4-A na matagal nang tinutugis ng mga awtoridad. Samantala, iginiit naman ni…
Read More