Tulong ng Big Casinos

Kaugnay nito, hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang malalaking casino sa bansa na tumulong sa pag-regulate ng online gambling. Hinamon ng senador ang mga big casino na patunayang sumusunod sila sa mga regulasyon at hindi isyu pa sa kanila ang paghihigpit sa mga online gambling sa bansa. Binigyang-diin ni Hontiveros na napag-iiwanan ang mga batas ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya kaya naman inihain niya ang panukalang maglilimita sa access sa online gambling partikular sa e-wallet at super apps. Marami aniyang buhay ang sinira ng online gambling at maraming pamilya…

Read More

ONLINE GAMBLING MALALA SA ALAK, DROGA

MAS malala ang pagkaadik ng mga Pilipino sa online gambling kaysa ilegal na droga at alak. Ito ang isiniwalat ni Bicol Sara party-list Rep. Terry Ridon kaya itinuturing na umano na national crisis ang nasabing problema lalo na’t napakadali na sa mga tao na magsugal gamit ang makabagong teknolohiya. Ayon sa mambabatas, sinabi umano ni Jon Ty, founder ng Bridges of Hope, isang recovery rehabilitation centers, na 7 sa bawat 10 sa kanilang kliyente ay nagpapagamot sa kanilang gambling addiction. “Findings from Bridges of Hope, a leading rehabilitation network, reporting…

Read More

Marcos Jr. pinagdududahan ‘COVER-UP’ SA IMBESTIGASYON SA PRIMEWATER NG MGA VILLAR

NAGDUDUDA na ang isang militanteng mambabatas sa hindi pa pagsasapubliko ng Malacanang sa resulta ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa PrimeWater ng mga Villar. “Bakit hindi muna agad ilabas ang resulta ng imbestigasyon sa PrimeWater? May tinatago bang corruption scandal? Baka tulad ng nakaraang eleksyon may hokus pokus uli si Marcos Jr. sa resulta,” ani Kabataan party-list Rep. Renee Co. Halos dalawang linggo na ang nakalipas nang isumite ng LWUA ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa PrimeWater na inirereklamo dahil bukod sa mahal maningil ay hindi maayos…

Read More

Bilang ng nagugutom tuloy sa pagtaas MAHAL NA PAGKAIN PINAIIMBESTIGAHAN

NAGHAIN si Senador Kiko Pangilinan ng resolusyon na nananawagan sa Senado na busisiin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto partikular ang pagkain. Layon nito na bumalangkas ng mga hakbangin upang mapalakas ang food security at masolusyunan ang food inflation. Nakasaad sa resolusyon na sa mga nakalipas na buwan ay patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas, gulay, karne, isda at iba pang agricultural products kaya’t marami sa pamilyang Pilipino ang hindi nakakayanang bumili ng masusustansyang pagkain. Nais ni Pangilinan na marebisa kung epektibo pa ang iba’t…

Read More

DA kinalampag para pawiin takot ng mamimili TAWILIS NG TAAL NABIBILASA LANG SA PALENGKE

NABABAHALA na ang mga mangingisda sa Taal lake sa epekto sa kanilang kabuhayan ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa bahagi ng Lawa ng Taal. Ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), matumal pa rin ang bentahan ng isdang Tawilis kahit bagsak presyo na ito. Nabatid kay Fernando Hicap, Pamalakaya National chairperson, bumaba sa P100 kada kilo ang retail price ng Sardinella Tawilis na mas kilala sa tawag na tawilis mula sa karaniwang presyo nito na P250 per kilo, sa gitna ng mga ulat ng mga…

Read More

P3.4-M SHABU NASABAT SA LADY PUSHER

Camp Gen Alejo S. Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Isang high-value Individual (HVI) na babae ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PNP, sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 500.42 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3,402,856.00 ang halaga, sa Brgy. Tikay, Malolos City, noong Hulyo 13, 2025. Ayon sa report ni PLt. Col. Russel Dennis Reburiano, hepe ng Provincial Intelligence Unit Bulacan, bandang alas-12:20 ng madaling araw noong Hulyo 13, 2025 sa Brgy. Tikay, Malolos, Bulacan, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng…

Read More

BANGKAY NG MISSING TNVS DRIVER NATUNTON NG NBI SA NUEVA ECIJA

INIHARAP ni NBI Director Judge Jaime Santiago ang tatlong suspek sa pagpatay at panghoholdap sa TNVS driver sa Parañaque City na kalaunan ay ibinaon sa Nueva Ecija. (DANNY BACOLOD) NATUNTON ng mga ahente ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR) at NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD), kasama ang NBI Forensic Team, ang kinaroroonan ng bangkay ng nawawalang TNVS driver, sa Zaragoza-San Antonio Road sa Barangay Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija noong Hulyo 11, 2025. Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang biktimang si Reymond Enriquez Cabrera. Nauna rito, noong Mayo 19, 2025,…

Read More

RETIRED PNP GENERAL, AKTIBONG KERNEL ITINURO NI ALYAS TOTOY

NAGSAMPA na ng reklamo ang whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy” sa National Police Commission o Napolcom laban sa diumano’y pulis na sangkot sa nawawalang mga sabungero. Ibinunyag ni Patidongan sa isinagawang press conference sa Napolcom, na isang aktibong Police Colonel ang responsable umano sa pagdukot at pagpatay sa “missing sabungeros”. Isang retiradong heneral naman ang kanyang pinangalanan na sangkot din sa grupo at nagbigay umano payo kay Charlie ‘Atong’ Ang na patayin siya. Samantala, sinampahan na ng kasong administratibo sa Napolcom ang labing dalawang pulis na isinasangkot ni…

Read More

MGA ESTUDYANTE PINAG-IINGAT SA HFMD

PATULOY na pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga estudyante sa nakahahawang sakit na hand, foot, and mouth disease (HFMD) na karaniwang nakukuha sa mga paaralan. Ito’y kahit pa bumaba na ang kaso o bilang ng tinatamaan ng naturang sakit. Sa record ng DOH, mula May 18-31, 2025 nasa 1,964 na kaso ng HFMD ang naitala kung saan bumaba ito noong June 1 hanggang 14, 2025 ay nasa 1,363 ang naitalang tinamaan. Pero giit ng DOH, hindi dapat maging kampante ang publiko dahil mabilis o posibleng makahawa ang nasabing…

Read More