15K KAPALIT NG PERWISYO SA OIL SPILL SA OR MINDORO

PINAPIRMA ng waiver ang mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28, na nagsasaad na hindi nila idedemanda ang may-ari ng MT Princess Empress kapalit ng P15,000. Sa joint hearing ng House committee on ecology at committee on environment and natural resources isiniwalat ni ACT party-list Rep. France Castro ang nasabing waiver na itinanggi naman ng may-ari ng tanker. “Nagpapapirma raw sa probinsya na hindi maintindihan ng mga tao ‘yung mga pinipirmahan. Pero ang malinaw doon na ni-report sa amin ay meron daw doong waiver na…

Read More

KILLER NG RESORT CARETAKER SA QUEZON NATIMBOG

QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa babaeng caretaker ng Beneraza Resort sa Brgy. Guisguis, Talon sa bayan ng Sariaya sa lalawigan. Ayon kay Lt. Col. Rommel Sobrido, hepe ng Sariaya PNP,  naaresto sa follow-up operation kahapon ang suspek na si RV Joy Flores Paderon alyas “Tek,” 24, miyembro umano ng notorious na Paderon drug group. Ayon pa kay Sobrido, usapin sa illegal drugs at paghihiganti ang motibo ng pamamaril sa biktima. Ang asawa ng biktima na dating asset ng pulisya, ang siyang talagang target ng mga suspek dahil…

Read More

P340K SHABU NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Mahigit sa P300K halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Imus City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Luisito Dominguez y Malinis, 56, at Marjay Dominguez y Espiritu, 33-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa Brgy. Palico IV, Imus City at nakumpiska ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o…

Read More

NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

UMAABOT sa 44 na dati umanong miyembro ng CPP-NPA-NDF ang nagbalik-loob sa pamahalaan kabilang ang 27 na tumalikod mula sa grupo ng Communist Front Group (CFO). Labing pito sa mga ito ay active members umano ng Communist Terrorist Group (CTG). Iprinisinta ang mga ito sa seremonya sa Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ni NCRPO Chief PMGEN Edgar Allan Okubo, kasama sina Mayor Francis Zamora, presidente ng Metro Manila Council at PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz. (DANNY BACOLOD) 20

Read More

97 DETAINEES SA NBI IBIBIYAHE SA BILIBID

INIULAT ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na 97 detainees ang kinakailangang ilipat sa Bureau of Corrections sa Muntinlupa City. Ito ay upang bigyang daan ang gagawing paggiba sa lumang gusali ng NBI. Ayon sa ulat, 50 taon nang nakatindig ang gusali at kinakailangan itong gawing 12 palapag na may rooftop at may sukat na 49.64 sq. meters ang lawak. Samantala, naging matagumpay ang idinaos na groundbreaking ceremony sa bakuran ng NBI sa Taft Avenue, Ermita, Manila nitong Martes ng umaga. Pinangunahan ito ni NBI Director Medardo de Lemos…

Read More

Kaya minamadali ang Maharlika – Solon ILL-GOTTEN WEALTH BABAWIIN NI MARCOS JR.

MINAMADALI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil nais nitong mabawi at makontrol ang mga yaman na kinumpiska sa kanyang pamilya. Ito ang isiniwalat ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung pagbabasehan umano ang Article III Sec. 6 ng Senate Bill 2020 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Finance – Privatization and Management Office (DOF-PMO), maaaring alamin kung anong mga ari-arian, real o personal ang isasailalim sa MIF. “This office under the DOF also has the authority to identify the disposition of…

Read More

Alyansa sa 6 malalaking partido sinelyuhan MAGPINSANG BBM AT MARTIN SIGURISTA

(BERNARD TAGUINOD) TILA paniniguro sa posisyon ng magpinsang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ang nabuong kasunduan ng Lakas-CMD sa anim na malalaking partido pulitikal sa bansa. Sa paniwala ng mga political observer sa mababang kapulungan ng Kongreso, pangontra sa kudeta ang naturang Alliance Agreement. Sa dokumentong nilagdaan ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), PDP-Laban, National Unity Party (NUP), Partylist Coalition Foundation Inc (PCFI) at Partido Novoteño at Centrist Democratic Party of the Philippines (CDC), hindi lamang kay Romualdez susuporta ang mga ito hanggang…

Read More

Pilipinas sa Kuwait: WALANG ‘SORRY-SORRY’

HINDI hihingi ng paumanhin ang Pilipinas sa di umano’y paglabag na naging dahilan para suspendihin ng Kuwaiti government ang pagpapalabas ng bagong entry visas sa mga Pilipino. “The Philippine government’s position, President [Ferdinand] Marcos’ [Jr.] position is that we cannot apologize for protecting our workers. We cannot hold our own people accountable for doing their job which is to protect our overseas nationals,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega. Noong nakaraang linggo, isiniwalat ng Kuwait Interior Ministry ang ilan sa mga dahilan sa likod ng…

Read More

BODEGERO NG MGA DRUG OPERATOR PINATUTUGIS

HINILING ni Senate committee on public order and dangerous drugs Chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa liderato ng Philippine National Police (PNP) na maglunsad ng manhunt operation laban sa isa anyang bodegero ng shabu ng mga umano’y drug lord sa Sablayan Municipal Jail sa Mindoro Occidental. Sa pagdinig ng komite, ibinunyag ng senador na isang Yie Ken Shie, alyas Mike Sy ang nagpahatid ng impormasyon sa kanya na handa itong makipagtulungan sa imbestigasyon dahil lumilitaw na siya ang number 1 shabu king sa bansa. Sinabi ni dela Rosa na sa…

Read More