Pharmally-style abuse pwedeng maulit STATE OF CALAMITY PINABABANTAYAN SA PUBLIKO

NANAWAGAN si Akbayan party-list Rep. Chel Diokno sa publiko na maging mapagmatyag upang hindi maabuso ang State of National Calamity na idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng pananalasa ng mga bagyong Tino at Uwan. Sa ilalim ng Proclamation No. 1077, isinailalim ang buong bansa sa state of national calamity sa loob ng isang taon, na nagbibigay pahintulot sa emergency at negotiated procurement para mapabilis ang paghatid ng tulong sa mga nasalanta. Ngunit babala ni Diokno, maaaring maulit ang mga iregularidad tulad ng Pharmally scandal noong nakaraang administrasyon…

Read More

ConCon Bill nilarga ng NUP solons CHA-CHA KUMILOS NA SA KAMARA

PORMAL nang inihain ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapatawag ng Constitutional Convention (ConCon) para sa modernisasyon umano ng 1987 Constitution. Kahapon ay isinapubliko ni NUP chairman at House Deputy Speaker Ronaldo “Ronie” Puno ang House Bill (HB) 5870 na naglalayong magpatawag na ng ConCon para amyendahan ang Saligang Batas. “For nearly four decades, the 1987 Constitution has anchored our democracy. But experience has shown that ambiguities, procedural lapses, and outdated provisions have created confusion and weakened institutional accountability,”…

Read More

Dahil sa ‘unauthorized decision-making’ CORPORATE SEC NG MICESA 8 GAMING 30-ARAW SUSPENDIDO

SINUSPINDE ng Board of Directors ng MICESA 8 Gaming Incorporated ang kanilang corporate secretary matapos madiskubreng gumawa ito ng mga desisyon nang walang pahintulot ng lupon. Kinilala ang sinuspindeng opisyal na si Krystyna Nicole De Lara Feliciano, corporate secretary ng kompanya na nakabase sa Unit 8K, 20 Lansbergh Place Condominium, 170 Tomas Morato Avenue, Quezon City. Batay sa Board Resolution No. 2025-02 na may petsang Nobyembre 10, 2025, tinukoy na nakipagpulong umano si Feliciano sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Nobyembre 9, 2025 nang walang awtorisasyon mula sa Board…

Read More

DPWH DAVAO EXECS NAMUMURO SA TECHNICAL MALVERSATION

NAMUMURO sa kasong technical malversation ang mga opisyal ng Davao City District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga kwestiyonableng flood control projects sa nasabing lungsod. Ito ang pahayag ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro Rep. Terry Ridon kaugnay ng dalawang proyekto ng flood control projects na ipinatupad ng Davao City DEO noong 2021. Ayon sa mambabatas, inireport ng DPWH Davao City DEO na natapos na ang “Construction of Revetment along Talomo River, Sta. 3+817 to Sta. 4+022, Right Bank,…

Read More

Republic Act 12232 kinatigan ng SC COMELEC NAKATUTOK NA SA BSKE

TUTUTUKAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na panindigan ang legalidad ng Republic Act 12232. Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, napapanahon ang pagpapalabas ng desisyon ng SC dahil nakatakda ang susunod na BSKE sa Nobyembre 2, 2026. Umaasa ang Comelec na matutuldukan na ang ispekulasyon kaugnay sa BSKE. Ayon pa kay Garcia, ngayong nagsalita na ang Korte Suprema, matututukan na ng Comelec sa kanilang timeline at kanilang…

Read More

PBBM, VP SARA HINAMONG SUPORTAHAN ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL

HINAMON ni Caloocan City Rep. Edgar Erice sina Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte na suportahan ang anti-political dynasty bill, kasunod ng anunsyo ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na ipaprayoridad ng Kamara ang panukalang ito kasabay ng pagtatatag ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC). “Sa Pangulong Marcos, kung gusto mo talaga ng reporma dapat magsimula ka sa sarili mong pamilya. If you can go against self interest, aba baka yun ang legacy niya,” pahayag ni Erice sa isang ambush interview. Ang mga Marcos…

Read More

KAPALIT NI ZALDY CO, IPRINOKLAMA NA

MAY kapalit na ang nagbitiw na si Rep. Zaldy Co bilang kinatawan ng Ako Bicol Party-list sa katauhan ni Jan Franz Chan. Si Chan na ikatlong nominee ay pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec). Noong 2025, bigong makapasok si Chan bilang kinatawan ng nasabing party-list dahil dalawang pwesto lamang ang napanalunan sa nagdaang midterm elections, kung saan si Co ang kanilang first nominee. Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang proklamasyon kasama ang iba pang commissioners ng poll body, na isinagawa sa session hall ng main office.…

Read More

PROTEKSYON NG SIERRA MADRE, IGINIIT NG SENADOR

IGINIIT ni Senador Erwin Tulfo ang pangangailangan ng ibayong proteksyon sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre. Sa kanyang privilege speech sa pagbabalik ng sesyon ng Senado, ipinaalala ni Tulfo ang muling proteksyon ng Sierra Madre sa bansa sa kasagsagan ng Super Typhoon Uwan. Ang Sierra Madre ang pinakamahabang mountain range sa Pilipinas, na umaabot sa mahigit 540 kilometro sa kahabaan ng silangang baybayin ng Luzon, mula Cagayan hanggang Quezon. Ilang beses na anyang nagsilbing proteksyon ng Luzon ang Sierra Madre mula sa mga bagyong Yolanda, Rolly, Paeng, at ngayon ay…

Read More

METRO-WIDE CLEARING OPS IKINASA KONTRA BAHA

IKAKASA ng administrasyong Marcos ang Metro-wide clearing operations na bahagi ng pangakong tuloy-tuloy na kampanya laban sa pagbaha — isang programa na palalawakin sa buong bansa sa ilalim ng “Oplan Kontra Baha.” Layon ng inisyatiba na linisin at isaayos ang mga ilog, creek, at drainage systems sa Metro Manila na matagal nang barado ng basura at debris, dahilan ng matinding pagbaha tuwing may bagyo. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “We will continue to do this, first part of the Oplan, until June to July of next year. Even after…

Read More