Ang pagtutok ng DBM sa disaster funds ay kasunod ng magkakasunod na bagyong tumama sa iba’t ibang rehiyon ngayong taon. Ang Bagyong Tino na nanalasa sa Visayas at hilagang Palawan ay nakaapekto sa halos 2 milyong Pilipino, at nag-obliga sa mahigit 40,000 pamilya sa Cebu na lumikas dahil sa malawakang pagbaha. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 188 ang nasawi dahil sa bagyo. Pagkaraan nito ay nanalasa naman ang Super Typhoon Uwan sa mga silangan at hilagang lalawigan, na nagpalikas sa 1.4 milyong residente…
Read MoreCategory: BALITA
Sa pagbubukas ng plenary debates sa Senado ng 2026 GA bill KAHANDAAN SA KALAMIDAD, PONDO NG LGUs DIDIINAN NG DBM
BIBIGYANG-DIIN ng Department of Budget and Management ang panindigan nitong palakasin ang lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna sa pag-umpisa ngayong linggo ng Senate plenary deliberations para sa P6.793 trilyong 2026 General Appropriations Bill. Sa mga unang yugto ng pagtalakay, lumitaw na pangunahing prayoridad ang alokasyon ng pondo para sa mga lokal na pamahalaan at mga programang may kaugnayan sa disaster response, na sumasalamin sa pagtutok ng administrasyong Marcos sa pagpapalakas ng mga komunidad at mabilis na pagbangon mula sa mga kalamidad. Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman,…
Read MoreGINANG PATAY SA SUNTOK NG LIVE-IN PARTNER
CAVITE – Patay ang isang ginang makaraang suntukin sa panga ng kanyang live-in partner nang hindi sumunod sa utos ang biktima na maghugas at magligpit ng kanilang pinag-inuman noong Martes ng gabi sa bayan ng Tanza sa lalawigan. Isinugod pa sa MV Santiago Hospital ang biktimang si alyas “Daisy” subalit hindi umabot nang buhay. Arestado naman ang suspek na si alyas “Alexis” sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng gabi sa bahay ng mag-live-in sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite kung…
Read MoreCARNAP SUSPECT NASAKOTE SA MALABON
ARESTADO ang isang wanted person sa kasong carnapping sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City. Ayon sa ulat, ang 29-anyos na suspek na si alyas “Bugoy” ay kabilang sa talaan ng most wanted persons ng Caloocan City Police Station, kaya pinaigting ng pulisya ang pagtugis sa kanya. Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon City Police, hinggil sa kinaroroonan ni Bugoy ay kaagad ikinasa ang operasyon laban sa suspek. Dakong alas-3:50 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng…
Read MoreSUPER TYPHOON UWAN DEATH TOLL 27, INJURED 36
UMAKYAT na sa 27 ang bilang ng iniulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan habang nasa 36 naman ng reported injured, karamihan ay dahil sa nangyaring landslides, ayon sa ibinahaging datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles ng umaga. Naniniwala si Office of Civil Defense Deputy Administrator Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, hindi na gaanong madaragdagan ang bilang ng mga nasawi bunsod ng ulat na may dalawa na lamang na nawawala sa area ng Cordillera Administrative Region. “… pero hindi kasing dami…
Read MorePULIS NA NANGHOLDAP AT NAPATAY, BAON SA UTANG
INIHAYAG ng Philippine National Police na baon sa utang ang police captain na nangholdap sa isang convenience store sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni National Capital Region Police Office spokesperson, Police Major Hazel Asilo, sa kanilang background checking kay Police Captain Ronnie Sarto ay nabatid na sagad ito sa loan. Matatandaang nangholdap si Sarto sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa l sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro sa pagresponde sa Heritage Subdivision sa…
Read MorePara sa humanitarian assistance 2 TEAM NG MMDA IPINADALA SA AURORA, NEGROS OCC
NAGPADALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang humanitarian assistance and disaster response team sa Aurora at Negros Occidental na nasalanta ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, dalawang team na bumubuo ng tig-10 personnel mula sa Public Safety Division and Emergency Group (PSDEG), ang kanilang idineploy bitbit ang 20 water and purification units. Layon nito na tumulong at mabigyan ng malinis na inuming tubig ang mga nabiktima o nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Sinabing kaya ng isang mobile purifying machine na…
Read MoreTULAK NA VAN DRIVER SWAK SA SELDA
LUCENA CITY – Arestado ang isang 44-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Lucena City SDEU dakong alas-12:30 ng tanghali noong Martes sa Purok Ilang-ilang, Barangay Isabang sa lungsod. Kinilala ang suspek na si Chester Allan Tan, isang van driver, at residente ng Barangay 6, sa nasabing lungsod. Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang anim na gramo ng hinihinalang ilegal na droga na may kabuuang halagang P122,400. Ayon kay PLt. Col. Ryan Hernandez, hepe ng Lucena City Police Station, ang suspek ay kabilang sa talaan ng Quezon Police Provincial…
Read MorePATAY NA SANGGOL ITINAPON SA ILALIM NG TULAY
QUEZON – Isang bangkay ng sanggol na lalaki ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Barangay Bukal Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ng isang residente ang patay na sanggol sa ilalim ng Bukal Sur Bridge sa bahagi ng Bypass Road. Sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng pulisya kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), napag-alamang bagong silang ang sanggol, tinatayang isang araw pa lang dahil nakadugtong…
Read More