97 INDIBIDWAL KINASUHAN SA SEPT 21 MANILA RIOT

KINASUHAN na sa Department of Justice (DOJ) ng Criminal Investigation and Detection Group ang 97 indibidwal kaugnay ng marahas na rally sa Mendiola noong Setyembre 21. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes sa Camp Crame, sinabi ni CIDG acting director, MGen. Robert Alexander Morico III, sinampahan ng kaso ang mga ito sa Department of Justice noong Oktubre 28 dahil sa paglabag sa Article 142 (Inciting to Sedition), Article 136 (Conspiracy) at Article 139 (Sedition) ng Revised Penal Code. Ang mga kinasuhan ay kabilang sa mga lumahok sa violent assembly sa…

Read More

INFRASTRUCTURE PROJECTS, PINATITIYAK NA MAY FEASIBILITY STUDIES BAGO ISAMA SA PAMBANSANG BUDGET

PINATITIYAK ni Senador Chiz Escudero ang transparency at accountability sa paggastos ng pondo ng bayan sa mga proyektong pang-imprastraktura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masusing feasibility study bago ito maisama sa pambansang budget. Isinusulong ng senador ang Senate Bill No. 1461 o ang Infrastructure Appropriations Integrity Act, na naglalayong pigilan ang iregularidad at maling paggamit ng pondo ng gobyerno. Ayon kay Escudero, lahat ng proyekto ng pamahalaan ay dapat lagyan ng mga detalye tulad ng station numbers, geotagging, geodetic coordinates, at iba pang paraan upang masubaybayan ng publiko kung saan…

Read More

NAVOTAS BUSINESS CONFERENCE MATAGUMPAY NA IDINAOS

MATAGUMPAY na isinagawa ang kauna-unahang Navotas Business Conference sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno nina Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco. Tampok sa naturang pagtitipon ang mga talakayan, exhibits, at networking sessions na dinaluhan ng mga negosyante, innovators, at industry leaders mula sa iba’t ibang sektor. Layunin ng kumperensiya na palawakin ang oportunidad sa negosyo at isulong ang patuloy na pag-unlad ng Navotas City. (AJ GOLEZ) 265

Read More

DICT AT NTC, MULING KINALAMPAG LABAN SA TALAMAK NA BENTAHAN NG PRE-REGISTERED SIM CARD

KINALAMPAG ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang National Telecommunications Commission (NTC) upang higpitan pa ang pagpapatupad ng batas laban sa talamak na bentahan ng mga pre-registered SIM card. Sinabi ni Gatchalian na ginagamit ang mga pre-registered SIM card sa iba’t ibang uri ng panloloko at online scams, lalo na ngayong malapit na ang Pasko kaya’t marami ang mananamantala. Nanawagan ang senador sa NTC at DICT na gamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan upang obligahin ang mga telco na gumawa ng mekanismo para…

Read More

PAGPUPUGAY NG PNP SA NAPATAY NA PULIS PINANGUNAHAN NI NARTATEZ

BINIGYANG-PUGAY ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ni Police Captain Joel Deiparine ng CIDG Regional Field Unit 7, na nasawi sa pananambang habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Barangay Sudlon 2, Cebu City. Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang pagpupugay at pagkilala kay Capt. Deiparine, na inalala niya bilang isang alagad ng batas na tapat, matapang, at may malasakit sa tungkulin — mga katangiang patuloy umanong isinasabuhay ng buong hanay ng Philippine National Police. Noong Oktubre 31, 2025, personal na bumisita…

Read More

HALAL TOWN AT GOLDEN MOSQUE SA QUIAPO SASAILALIM SA REHAB

TINALAKAY ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang mga plano para sa pagpapaunlad ng Halal Town at rehabilitasyon ng Golden Mosque Complex sa Quiapo, Maynila. Magkasamang inikot nina Domagoso, Pangandaman, Vice Mayor Chi Atienza, at mga opisyal ng Department of Tourism and Cultural Affairs of Manila (DTCAM) ang Halal Town bilang bahagi ng paghahanda para sa ASEAN Summit sa susunod na taon, kung saan host ang Pilipinas. Pinuri ni Pangandaman ang konsepto ng Halal Town at tiniyak ang suporta ng…

Read More

ICI MEMBERS ‘DI PAPALITAN KUNDI DARAGDAGAN SA BAGONG KOMISYON

NILINAW ni Navotas Rep. Toby Tiangco na hindi tatanggalin ang mga kasalukuyang miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sakaling maitatag sa bisa ng batas ang mas makapangyarihang kapalit nito — ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC). “Hindi ko lang naisama sa bill ko pero hindi sila papalitan. Hold over ang ICI members ngayon,” paliwanag ni Tiangco, na siyang may-akda ng House Bill (HB) 5699 na naglalayong gawing mas malawak ang kapangyarihan ng komisyon laban sa katiwalian sa mga proyekto ng imprastraktura. Ang kasalukuyang ICI ay binubuo nina dating…

Read More

TAPYAS-PRESYO INIUTOS KONTRA ‘KICKBACK’

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pitong ahensya ng gobyerno na tapyasan ng hanggang 50 porsyento ang presyo ng mga public infrastructure project para masugpo umano ang korapsyon sa paggamit ng pondo ng bayan. Kasunod ito ng kautusan ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpatupad ng cost-cutting measures sa mga proyekto. Ngayon, pinasunod na rin niya ang DepEd, DA, DILG, DOH, DOTr, at NIA sa kaparehong “pricing system” ng DPWH. “Ang kalidad ng proyekto, hindi isasakripisyo. Ang tanging hihina rito ay korapsyon,” diin ni…

Read More

OVERPRICED FMR SA LUGAR NI ROMUALDEZ PINAIIMBESTIGAHAN

PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang umano’y pinakamahal na Farm-to-Market Road (FMR) sa distrito ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Tacloban City. Sa House Resolution No. 421, na inihain nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Rep. Sarah Elago, at Kabataan Rep. Renee Co, inaatasan ang House Committees on Public Accounts at Agriculture and Food na siyasatin ang mga FMR project ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Batay sa National Farm-to-Market Roads Network Plan (NFMRNP)…

Read More