KRGL MEMBER NASAKOTE NG ARMY JTG 7-2

ISANG most wanted member ng dismantled Komiteng Rehiyon Gitnang Luzon (DKRGL) at ng nabuwag na Komiteng Larangang Gerilya Tarlac Zambales, ang nadakip sa isinagawang joint law enforcement operation ng Northern Luzon Command-Joint Task Group 7-2, na nasundan ng pagkakadiskubre sa itinatagong mga sandata ng New People’s Army. Kinilala ni Joint Task Group (JTG) 7-2 commander, Brigadier General Eugenio Julio C. Osias IV, Philippine Army, at kasalukuyang pinuno ng 703rd Infantry (Agila) Brigade, ang nadakip na si Marlene V. Espiritu @Cecile, ng nabuwag na KRGL at secretary ng dismantled Komiteng Larangang…

Read More

Ilang LGUs nagdeklara ng no classes TROPICAL STORM TINO SIGNAL NUMBER 3 NA

walang pasok12

ILANG local government units partikular sa Visayan region, ang nagdeklara ng suspension of classes nitong Lunes dahil sa inaasahang paglakas pa ng Bagyong Tino na magdadala ng mga pag-ulan ngayong idineklara na sa typhoon warning signal number 3 ang ilang lalawigan. Maaga pa lamang ay mabilis na nag-intensify si Tino bago pa mag-landfall o umabot sa peak intensity nito sa bahagi ng Eastern Samar o Dinagat Islands mula nitong Lunes hanggang ngayong Martes. Sa huling weather bulletin na inilabas ng PAGASA kahapon ng tanghali, sinasabing lumakas ang Severe Tropical Storm…

Read More

DOLOMITE BEACH PROJECT BUBUSISIIN NA SA KAMARA

SISIMULAN na ng House Committee on Public Accounts sa susunod na linggo ang imbestigasyon hinggil sa kontrobersyal na Manila Bay Dolomite Beach Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isinagawa noong nakaraang administrasyon. Ito ay kinumpirma ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, chairman ng nasabing komite, kasunod ng mga ulat na ang proyekto na nagkakahalaga ng P364 milyon ay nakapagpalala umano ng pagbaha sa lungsod ng Maynila. “The House Public Accounts Committee will begin proceedings on the Manila Bay Dolomite Beach Project in the week of…

Read More

PISO SADSAD NA SA TALAMAK NA KORUPSYON – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINANATAN ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez ang umano’y talamak na korupsiyon sa bansa na aniya’y nagdudulot ng patuloy na paghina ng piso at pagkawala ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan. Sa isang Facebook post noong nakaraang linggo, sinabi ni Rodriguez na nawawala na ang tiwala ng mga investor dahil sa umano’y matinding katiwalian sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Walang kumpiyansa ang mga negosyante at mamumuhunan dahil sa talamak at laganap na korapsyon at kurakot ng Marcos administration,” ayon sa kanyang post. Dagdag pa…

Read More

LCSP umapela sa Marcos admin MONEY, POWER BAKLASIN SA MGA SANGKOT SA FLOOD SCAM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAPELA ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa administrasyong Marcos na pabilisin ang pagpapanagot sa mga sangkot sa umano’y anomalya sa mga proyekto ng flood control sa bansa. Ayon sa grupo, magagawa lamang ito kung aalisan ng kapangyarihan, impluwensya at access sa pondo ang mga opisyal at politikong nasasangkot. “Nasa poder pa rin ang mga balyenang politiko na nasasangkot sa iskandalo. May pera at kapangyarihan na maaaring gamitin laban sa katotohanan,” pahayag ni Atty. Ariel Inton, pangulo ng LCSP. Dagdag pa ni Inton, nauunawaan…

Read More

MARCOS KUMPIYANSANG ‘GOOD, CLEAN’ 2026 BUDGET

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng maayos at malinis na pambansang pondo para sa susunod na taon. “I think it will be. We will be able to show that it is in fact possible to write a good, clean budget,” pahayag ng Pangulo sa mga mamamahayag sa isang press briefing matapos ang 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Gyeongju, South Korea. Ang pahayag ay bilang tugon sa tanong kung maaasahan ba ng publiko ang mas pinaigting na anti-corruption efforts mula sa administrasyon. Sinabi ni Marcos…

Read More

13 lalawigan very high-risk alert PAGASA NAGBABALA NG 3-METER STORM SURGE

MAKARAANG magdeklara ng tropical storm warning signal number 3 ang state weather bureau kahapon, naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng posibleng 3-meter storm surge sa coastal provinces. Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at ng kanilang operating arm, ang Office of Civil Defense, kasabay ng 3-meter storm surge warning ng PAGASA ang pagpapalikas ng mga nasa low lying and coastal areas. Nabatid na nasa 13 probinsiya ang nasa ilalim ngayon ng Alert Level Charlie (Red), ayon sa Department of the…

Read More

ATTY. MAGNO PORMAL NANG ITINALAGANG NBI DIRECTOR

PORMAL nang isinalin ni Retired Judge Jaime Santiago ang pamumuno ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Atty. Angelito Magno sa isang turn-over ceremony nitong Lunes ng umaga. Matatandaang naghain si Santiago ng kanyang irrevocable resignation noong Agosto. Si Magno, na nagsilbi bilang Assistant Director sa ilalim ng pamumuno ni Santiago, ay naitalaga muna bilang Officer-in-Charge bago tuluyang italagang NBI Director. Mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at empleyado ng ahensya sa NBI headquarters. Itinuturing si Magno bilang “insider” dahil nagsimula siya sa pinakamababang posisyon bilang project worker noong 1991,…

Read More

PPA NAGKANSELA NG BIYAHE NG MGA BARKO

ILANG biyahe ng mga passenger vessel ang kinansela nitong Lunes dahil sa patuloy na pagsusungit ng panahon dulot ng Bagyong Tino na pinangangambahang umakyat pa sa Tropical Storm Warning Signal Number 4. Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), saklaw nito ang ilang mga pantalan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Nitong Lunes ng umaga, kanselado ang mga biyahe ng Starlite Ferries patungong Caticlan, Sibuyan, at Roxas-Culasi, gayundin ang biyahe ng Montenegro Lines papuntang Odiongan, at ang Ocean Jet fastcraft papuntang Calapan. Tatlong biyahe ng Montenegro Shipping Lines sa Dapitan ang hindi…

Read More