UMAASA ang lead chairman ng Quinta Committee na hindi hanggang press release lamang ang Department of Agriculture (DA) sa pagbabawas sa presyo ng bigas at legal na aksyon laban sa mga rice cartel, hoarding at profiteers. “We need action from the DA sooner rather than later, so I hope the study process doesn’t last beyond a few days,” ani Albay Rep. Joel Salceda na namumuno sa imbestigasyon sa mataas na presyo ng bigas kahit sobra-sobra ang supply at mababa na ang presyo nito sa world market. Ginawa ng mambabatas ang…
Read MoreCategory: BALITA
CHINA GUSTONG MAGBENTA NG MILITARY EQUIPMENT SA PILIPINAS?
POSIBLENG nais ng China na sila ang magbenta ng military hardware at weapon sa Pilipinas kaya tinutuligsa ng mga ito ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na sa Estados Unidos bumili ng kagamitan. Ito ang basa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos tawagin ni Chinese Ministry of Foreign Affairs, Mao Ning na “irresponsible choice” ang desisyon ng Pilipinas na sa Amerika bumili. “Baka siguro gusto ng China ay sa kanila tayo bumili ng mga military weapons na kung iisipin ay baka mabudol tayo dahil kilala…
Read MoreLibong Montalbeño hinatiran ng walang kaparis na serbisyo SALAMAT, CONG NOGRALES!
UMABOT sa dalawang libong (2,000) residente ng Montalban, Rizal ang nabahaginan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng inisyatiba ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles. Pinangunahan ni Rep. Nograles ang pamamahagi ng DOLE-TUPAD tulong pinansyal na ginanap sa Primark Town Center sa Brgy. San Jose, Montalban noong nakaraang Biyernes, Disyembre 20, 2024. Isa sa mga benepisyaryo ang tindera ng basahan na si Maryrose Arcillada, single parent na may tatlong anak, residente ng Brgy. San Jose, Montalban. Labis…
Read MoreAKAP BENEFICIARIES, VLOGGERS IDINEPENSA PROGRAMA
IPINAGTANGGOL ng ilang benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, kabilang ang ilang kilalang vloggers, ang programa laban sa pagkontra ng ilan. Ayon sa AKAP beneficiaries na lumabas sa ilang vlog, malaking naitulong sa kanilang pamilya ng ayuda. Sa vlog ng sikat na social media personality na si Nico David, sinabi nito na gaya sa ibang bansa ang AKAP para sa mga below minimum wage earners. “Dapat hindi ito kontrobersyal dahil tulong ito ng pamahalaan sa kapos ang income,” dagdag pa ni Nico David. Para naman…
Read MorePAMILYA NG ‘OVERSTAYING’ PDLs SA NBP NAGPAPASAKLOLO KAY REP. TULFO
ILANG pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang lumapit kay ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo dahil sa sobra-sobrang pananatili na raw ng kanilang kaanak sa New Bilibid Prison. Ayon sa grupong Aid-Dalaw Nationwide International Movement (AIM), may 10,000 PDL sa NBP ang dapat laya na subalit patuloy na naghihimas ng rehas kahit tapos nang bunuin ang kani-kanilang sentensya. Paliwanag ni Cong. Tulfo, “Ang reklamo nila, tila hindi agad nare-review ang mga papel ng PDL na dapat ay lumaya na”. “Ang problema din daw…
Read MoreFPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST KASAMA SA MGA NANGUNGUNA PARA SA 2025
MANILA—Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa pangunguna ni Brian Poe, ay nakakuha ng momentum para sa darating na 2025 midterm elections, makaraang makakuha ng magandang posisyon sa SWS survey. Ang partylist ay nakakuha ng 1.73 porsyentong pagtaas sa ika-11 na puwesto sa pinakahuling survey ngayong Disyembre. Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay nakatuon sa mga haligi ng pagkain, progreso, at hustisya, na naglalayong iangat ang mga marginalized na Pilipino at itaguyod ang isang inklusibo at sustainable na kinabukasan para sa bansa. “Pinasasalamatan namin ang publiko sa pagkilala sa serbisyong tatak…
Read MoreGRAFT VS EX-BFAR CHIEF GONGONA, TULOY
TULOY ang mga kasong graft laban kay dating Agriculture Usec. at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Eduardo B. Gongona kaugnay ng kontrobersiyal na P2 bilyong vessel monitoring system (VMS) project. Ito ay matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang dalawang mosyon ni Gongona na humihiling na muling pag-aralan ang resolusyong may petsang Pebrero 5, 2024. Ang resoluyon ay nag-aatas ng pagsasampa ng kaso laban sa kanya at sa dalawa pang akusado para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o…
Read MoreDOH memo sa senior citizen’s medicine booklet hirit ni Ordanes
LABIS na ikinalugod ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang hakbang ng Department of Health (DOH) kaugnay sa purchase discount booklet sa pagbili ng mga gamot ng senior citizen. Sinabi ni Ordanes na matagal na niyang ipinanawagan sa DOH na maglabas ng kautusan para hindi na hanapin pa sa botika ang purchase discount booklet tuwing bibili ang senior citizens ng kanilang mga gamot. Sa katunayan aniya, inaprubahan ni House Speaker Martin Romualdez ang House Resolution No. 253 noon nakaraang Setyembre 25. Ito, dagdag pa ni Ordanes, ay mula…
Read MorePAGBIBIGAY NG BENEPISYO SA MGA BILANGGONG SENIOR CITIZEN, INIHIRIT
NANAWAGAN si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay din sa mga nakakulong na senior citizens ang mga angkop na benepisyo. Paliwanag ni Ordanes, walang diskriminasyon sa hanay ng mga nasa edad 60 pataas base sa mga umiiral na batas. “Dahil hindi nakikita ang ating elderly persons deprived of liberty (PDL) kaya hindi na rin sila naiisip sa usapin ng mga programa at benepisyo para sa senior citizens,” saad ng mambabatas. Apela niya kay Social Welfare Sec. Rex Gatchalian at…
Read More