P30-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT SA 2 WATERCRAFTS

TINATAYANG P30 million ang halaga ng smuggled cigarettes na nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Navy nang masabat ang dalawang watercraft sa dagat sakop ng Digos City, Davao del Sur. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr., tinukoy ang dalawang sea vessel na M/L Er-Far at M/B Qaireen na pinigil ng Phil. Navy BRP Herminigildo Yurong (PG906), na nasa ilalim ng operation control ng Naval Task Force 71 ng Naval Forces Eastern Mindanao. Ang dalawang watercraft ay may lulang…

Read More

ONLINE PERA-PAMIGAY SHOW NI CHAVIT, TUMABO NG 1M VIEWS

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga taga-subaybay ng ika-5 episode ng “58 Days ng Milyong-Milyong Papremyo”, ang pinakamataas na tala ng viewership ng online game show ni Manong Luis “Chavit” Singson, isa sa mga senatoriables sa 2025 midterm elections. Nagsimula man sa 226,000 views nitong Disyembre 15 ngayong taon, hindi naman nagpatinag ang “Team Chavit Singson” upang abutin ito na kanila namang itinuturing na bunga ng kanilang pagsisipag. Ayon sa kanyang campaign team, hindi nila inaakala na ang programa na kanilang binuo ay maghahatid pala ng tuloy-tuloy na…

Read More

HELPER PATAY SA BUGBOG, SUSPEK TIKLO

ARESTADO sa isinagawang “Oplan Pagtugis” ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, ang isang lalaki makaraang mapatay sa bugbog ang kapwa helper na 57-anyos na lalaki sa Gate 12, Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila nitong Linggo ng madaling araw. Idineklarang dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Manuel Manalo ng Parola Compound habang natimbog naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na kinilalang si Raffy Cabacang, 37, ng naturang lugar. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang…

Read More

OMBUDSMAN TININDIGAN PAGSIBAK KAY EX-BFAR CHIEF ESCOTO

PINAGTIBAY ng Office of the Ombudsman ang kautusan nitong nagtatanggal sa serbisyo kay dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Demosthenes R. Escoto dahil sa umano’y iregularidad sa paggawad ng P2-bilyong kontrata para sa vessel monitoring system (VMS) project noong 2018. Naunang kinasuhan ng Ombudsman sina Escoto, dating Agriculture Usec. at BFAR National Director Eduardo B. Gongona, at British national na si Simon Tucker. Nahaharap ang tatlo sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at tig-isang…

Read More

BAHAY NG MISSIONARY PASTOR, PINASOK NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Tinatayang umabot sa P152,000 halaga ng gadgets at cash ang natangay ng isang hinihinalang akyat-bahay mula sa bahay ng isang missionary pastor sa Tagaytay City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mario Abelda y Tan, may asawa, residente ng Brgy. Kaybagal North, Tagaytay City. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na sweatshirt na may hood, itim na maong short, at itim na relo sa kaliwang kamay. Ayon sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang matuklasan ng biktima ang nawawala nitong gadgets, mga alahas, iba’t ibang…

Read More

P63-M SHABU NASABAT SA ZAMBIAN NAT’L SA NAIA

TINATAYANG P63 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula sa isang Zambian national sa arrival area ng NAIA Terminal 3. Ayon sa ulat na ibinahagi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, isang matagumpay na anti-illegal drug interdiction operation ang inilunsad ng kanyang mga tauhan sa NAIA Terminal 3, katuwang ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at PDEA at mga elemento ng PNP at NBI, na nagresulta sa pagkakasamsam…

Read More

POGO FINANCE OFFICER SA BAMBAN, TARLAC HUB NADAKIP

NADAKIP ng magkasanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines, Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration ang umano’y finance officer ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac. Kinumpirma ng PAOCC ang pagkakadakip sa kay Pan Meishu, isang Chinese citizen, at sinasabing tumatayong finance officer ng sinalakay na Zun Yuan Technology Inc., isang POGO hub na nagpapatakbo ng ilegal na operasyon noon sa Bamban, Tarlac. Nahaharap si Meishu sa mga reklamong may kaugnayan sa umano’y human trafficking at paglabag sa immigration law ng bansa. Ang…

Read More

TIRADOR NG MOTOR SA RIZAL, KALABOSO

RIZAL – Kalaboso ang isang hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo matapos makilala at maaresto ng mga pulis batay sa kuha ng CCTV bandang alas-3:15 ng hapon noong Disyembre 18, sa bayan ng San Mateo. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, Director ng Rizal Police Provincial Office ang suspek na si alyas “Jonel”, 31-taong gulang, ng Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal. Ayon sa salysay ng biktimang kinilalang si alyas Rizal, 65-taong gulang at isang retiradong pulis, panandalian lamang umano niyang ipinarada ang kanyang motor sa harap ng opisina na pinagtatrabahuang security agency ngunit bigla…

Read More

62-ANYOS BINARETA NG KAPWA SENIOR, PATAY

PANGASINAN – Nauwi sa malagim na pangyayari ang masayang inuman ng mga senior citizen nang biglang magwala ang isa sa mga ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa bayan ng Dasol sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Dasol Municipal Police Station, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 62-anyos na lalaki matapos saksakin ng bareta ng kanyang kainuman na 76-anyos na lalaki. Nabatid na nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa nabanggit na lugar. Napag-alaman, nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ng dalawa pang lalaki,…

Read More