SEGURIDAD SA DIVISORIA NGAYONG HOLIDAY SEASON PINAIGTING

PINAIGTING ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas ang kahandaan ng mga pulis para sa seguridad at kaligtasan ng mga mamimili sa Divisoria sa Binondo, Manila hanggang sa araw ng Pasko at Bagong Taon. Umabot sa 100 pulis, kabilang ang mga miyembro ng National Capital Regional Office, ang todo na sa pagbabantay sa Divisoria habang nalalapit ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Ayon kay PLt. Col. Mupas, patuloy na dinaragsa ang Divisoria lalo na ng mga mamimili na dumayo pa mismo sa nasabing lugar. Magpapatuloy aniya ang pagbabantay ng pulisya…

Read More

Apela ng gobernador ng Zamboanga del Norte sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan SUPPLEMENTAL BUDGET APRUBAHAN PARA MAPASWELDO MGA CONTRACTUAL AT JOB ORDER EMPLOYEES

UMAPELA ang isang mataas na opisyal ng gobyerno sa Zamboanga del Norte sa Sangguniang Panlalawigan na aprubahan na ang supplemental budget upang maibigay na ang sweldo ng mga contractual at job order employees. Sa isang pahayag, sinabi Zamboanga del Norte Gov. Rosalina ‘Nanay Nene’ Jalosjos na aksyunan na ang kanyang kahilingan na pondo dahil matagal na niyang ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget. Mula kasi noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakasusweldo ang mga contract of service at job order employees dahil sa kawalan…

Read More

Ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Muntinlupa: Pagdiriwang ng Tunay na Puso ng Mamamayan

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag. Isa itong mahalagang okasyon para sa mga residente, dahil ito ay sumasalamin sa tunay na puso ng lungsod. Sa kanyang talumpati, binalikan ni Mayor Ruffy Biazon ang mga kahanga-hangang gawa ng integridad at serbisyo na ipinamalas ng mga ordinaryong mamamayan sa buong taon. “Sa mundong ating ginagalawan ngayon, kung saan madalas ang kawalang-pakialam, ang mga kilos ng katapatan na ito ay nagbibigay sa atin ng pagmamalaki at pag-asa,” aniya. Isa sa mga nakakagalak na bahagi ng pagdiriwang ay ang kwento…

Read More

2025 budget minasahe ng mga ‘VIP’ AFP SINAKRIPISYO SA KAPRITSO NG MGA KAALYADO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MATINDING pagmasahe ang nangyari sa panukalang national budget sa susunod na taon kaya maraming ahensya ang magsasakripisyo kabilang na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Sa Senado, binatikos ni Senador Imee Marcos ang tinawag niyang kawalan ng transparency sa inaprubahang panukalang 2025 budget at sinabing may mga himalang nangyari. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Marcos na nagkaroon lamang ng unang meeting ang bicam panel noong November 28 at nasundan ng ikalawa at huling pulong noong December 11. Kinahapunan ng December 11 ay niratipikahan ng dalawang kapulungan…

Read More

Sa dami ng aksidente sa kalye KAHIT ‘TIPSY’ BAWAL MAGMANEHO

PINAAAMYENDAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “Anti Drunk and Drugged Driving Act of 2013” o Republic Act (RA) 10586 upang ipagbawal sa mga driver na magmaneho ng sasakyan kahit ‘tipsy’ pa lamang ang mga ito. Layon din ng nasabing panukala na taasan ang parusa at multa sa mga nakainom na driver na masasangkot sa aksidente dahil sa kabila ng nasabing batas ay libu-libo pa rin ang namamatay. “This is a measure to guarantee the safety of everyone on the road. Kahit tipsy pa lang, hindi na dapat nagda-drive. Lalo…

Read More

Pulong sa imbestigasyon ng Kamara KAALYADO SA DRUG LIST IMBESTIGAHAN DIN

(BERNARD TAGUINOD) TILA hamon sa mga kapwa mambabatas ang pinakawalan kahapon ni Davao City Rep. Paolo Duterte nang sabihing dapat imbestigahan din ng mga ito ang mga kaalyado na sangkot sa droga. “If Congress is truly serious about addressing the proliferation of illegal drugs, they must begin by investigating those listed in the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watchlist during the Duterte administration.” Bahagi ito ng statement ni Duterte kaugnay sa rekomendasyon ng Quad Committee na kasuhan ng crimes against humanity ang kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte, Sens.…

Read More

KASO VS DU30, DELA ROSA, GO, BAHALA NA DOJ

IPINAUBAYA na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) ang masusing pagsusuri sa rekomendasyon ng House Quad Committee na sampahan ng reklamo o kaso si dating pangulong Rodrigo Duterte at iba pa ukol sa ‘war on drugs’ ng dating administrasyon. Inirekomenda kasi ng Quad Comm ang pagsasampa ng reklamo laban kina Digong Duterte, Senador Ronald Bato dela Rosa at Senador Bong Go para sa di umano’y paglabag sa Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity. “The DOJ will look at…

Read More

AKUSASYONG RAPE SA MINOR, ITINANGGI NG MAYOR, 2 PA

MARIING itinanggi ng mga akusado ang akusasyon at naghain kaagad ang kanilang abogado ng mosyon for reconsideration na layuning mapawalang bisa ang warrant of arrest na ginamit para sila maaresto sa kasong panghahalay ng isang menor de edad. Isinilbi ng pulisya sa tulong ng Criminal Investigation and Detection Group-Northern District Forensic Unit (CIDG-NDFU), ang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violaga Alajandria ng Branch 121, para sa dalawang bilang ng kasong rape sa ilalim ng Article 266 ng Revised Penal Code…

Read More

TRUCK NAWALAN NG PRENO 1 PATAY, 3 SUGATAN

QUEZON – Patay ang isang lalaking pedestrian at sugatan ang tatlo pang indibidwal sa aksidente na kinasangkutan ng isang delivery truck ng courier company, at tatlo pang sasakyan sa Barangay Malinao Ilaya, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa imbestigasyon ng Atimonan Police, nawalan ng preno ang delivery truck na minamaneho ni Jewill Morales, 53-anyos, habang lumulusong sa kurbadang bahagi ng kalsada patungo sa direksyon ng bayan ng Atimonan mula sa itaas ng Maharlika Highway Diversion Road galing sa bayan ng Pagbilao bandang alas-6:40 ng…

Read More