MOTOR BANCA AT TOURIST BOAT NAGBANGGAAN, 23 NASAGIP

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 23 indibidwal makaraang magbanggaan ang isang motor banca at tourist boat sa baybayin ng Consuelo, Cantilan, Surigao del Sur. Base sa imbestigasyon, ang insidente ay sanhi ng miscommunication sa vessel signaling. Ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Cantilan ay nagsasagawa ng coastal security patrol nang mangyari ang insidente dahilan para maglunsad agad ng Search and Rescue (SAR) operation. Kasama sa nasagip ang 16 pasahero, ang tourist boat captain, isang tourist boat crew, ang motorbanca captain at apat na motor banca crew members. Isang pasahero…

Read More

NCR HOSPITALS, VOLUNTEERS ALL SET NA SA TRASLACION 2025

(JULIET PACOT/CHRISTIAN DALE) NAKAALERTO na ang mga ospital sa buong Kamaynilaan bilang paghahanda sa tradisyunal na Feast of the Black Nazarene na taunang dinadagsa ng mga deboto sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025. Ito ay makaraang isailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang mga ospital para sa pagresponde sa emergencies sa anomang oras partikular na ang mga concerned hospital personnel gaya ng doktor, nurses, surgeons at iba pa. Iniulat sa press conference ni DOH Health Emergency Management Bureau chief Dr. Irvin Miranda, bukod sa NCR,…

Read More

KAMARA NAGTALA NG PINAKAMARAMING NAIPASANG PANUKALA SA PAMUMUNO NI SPEAKER ROMUALDEZ

NAITALA ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas, isang patunay ng pagiging produktibo ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress. Ang naabot ng Kamara ay nagtataas sa standard na dapat sundan ng mga mambabatas sa hinaharap at nagtataas sa reputasyon ng Kamara bilang isang kapulungan na umaaksyon ng may resulta. Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala sa Kamara. Sa bilang na…

Read More

NCR MAY PINAKAMARAMING FIRE INCIDENTS

NANGUNGUNA ang National Capital Region sa may pinakamaraming fire incidents na naitala nitong nakalipas na taon ng 2024, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon sa inilabas na datos ng BFP, ang NCR ang nangunguna sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sunog sa bansa. Ayon sa talaan, nakapagtala ito ng 3,408 fire incidents at sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala ng 3,334 na mga insidente ng sunog. Habang malayo naman ang CALABARZON na nasa ikatlong pwesto na may 2,045 recorded fire incidents. Nasa ika-apat naman…

Read More

MARY JANE VELOSO: KWENTO NG PAKIKIBAKA AT PAG-ASA

(Ni LEA BAJASAN) ANG pangalan na Mary Jane Veloso ay tumatak na sa maraming Pilipino. Ang kanyang kwento ay tungkol sa sakripisyo, kawalan ng katarungan, at pag-asa. Ipinanganak sa isang maliit na bayan sa Nueva Ecija noong Enero 10, 1985, si Mary Jane ay lumaki sa kahirapan. Bilang nag-iisang magulang ng dalawang lalaki, nagsumikap siya para matustusan ang kanyang mga anak. Tulad ng maraming Pilipino, nangarap siya ng magandang buhay para sa kanyang pamilya. Noong 2010, inalok siya ng trabaho bilang domestic worker sa Malaysia. Nagtiwala siya sa taong nagrekrut…

Read More

Senior Citizens party-list Top 3 sa SWS December survey

Ikatlo ang Senior Citizens party-list sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) noong nakaraang buwan. Nakakuha ang naturang party-list ng 4.62% sa isinagawang Voter Preference for Party-list survey noong Disyembre 12 hanggang 18. Una ang 4Ps Party-list na nakakuha ng 13.51% at sumunod ang ACT-CIS na may 5.63%. Mauupo ang tatlong nominado ng 4Ps at dalawa naman sa mga nominado ng ACT-CIS at Senior Citizens kung isasagawa ang halalan ngayon. Ang lima pang party-list groups na nakakuha ng higit dalawang porsiyento ay ang Duterte Youth, Ako Bicol, Tingog, TGP…

Read More

NAKULONG SA DROGA, BUKING SA CARNAPPING

MATINDING kamalasan ang inabot ng isang babaeng nahuli sa drug bust operation nang makatanggap ito ng warrant of arrest sa kasong carnapping na isinilbi sa kanya habang siya ay nakakulong sa Navotas City Jail. Ayon sa ulat ni Navotas City Police chief, P/Col. Mario Cortes, dakong alas-5:25 ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ni P/Capt. Luis Rufo Jr., hepe ng Navotas Police Intelligence Section, ang warrant of arrest laban kay alyas “Rose”, 27, ng Subic, Zambales, sa loob ng Custodial Facility Unit ng Navotas City Police Station (NCPS). Ang…

Read More

LOLO PATAY SA JUDAS BELT

PATAY ang isang 78-anyos na lolo makaraang maputukan ng Judas Belt, apat na araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Spokesperson Asst. Secretary Albert Domingo, kinilala ang nasawi na isang senior citizen. Ayon sa report, sinindihan umano ng biktima ang paputok na Judas Belt ngunit sumabog ito bago naihagis nagresulta sa multiple injuries ng senior citizen. Isinugod sa ospital ang biktima noong Disyembre 22 subalit binawian ng buhay noong Disyembre 27. Ayon pa sa DOH, may iba ring mga sakit na iniinda…

Read More

P100K PAPUTOK, BOGA NAKUMPISKA SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng mga paputok at 159 piraso ng improvised PVC cannon ang nakumpiska ng mga awtoridad at dinampot ang ilang menor de edad sa isinagawang operasyon kontra illegal firecrackers at boga sa limang lungsod at 11 bayan sa lalawigan. Sa bayan ng Mendez, tinatayang pitong improvised PVC cannon o boga ang nakumpiska sa Brgy. Miguel Mojica, Mendez, Cavite at dinampot ang ilang menor de edad. Tig-11 boga ang nakumpiska sa Brgy. San Rafael 3, sa Noveleta, at sa iba’t ibang barangay sa Cavite City,…

Read More