BUMISITA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina Bureau of Fire Protection (BFP) chief OIC CSUPT. Jesus Fernandez at Manila Mayor Honey Lacuna sa mga nasunugan mula sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa Delpan at hinatiran sila ng tulong. (PAOLO SANTOS) PINASALAMATAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ng libo-libong pamilya si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. nang personal nitong bisitahin ang mga biktima ng sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo. Walang patid na pasasalamat ang hatid nina Manila Mayor Honey…
Read MoreCategory: BALITA
‘CHRISTMAS BY THE LAKE’ NG TAGUIG, IKATLONG TAON NA
SA ikatlong taon nito, muling binabago ng inaabangang Pasko sa Lawa ang magandang Laguna Lake bilang pinakamalaki at pinakamaliwanag na Christmas lights park sa bansa na may mga kapana-panabik na bagong atraksyon. Kabilang sa mga highlight ng taong ito ay ang nostalgic Christmas on Display na nagpapakita ng mayamang tradisyon ng Paskong Probinsyudad sa pamamagitan ng mga animated na display na nagdadala ng mga bisita sa paglalakbay sa paglipas ng mga taon. Nakadagdag sa panoorin ang Northern Lights experience, isang first-of-its kind attraction sa bansa. May inspirasyon ng kagandahan ng…
Read MoreDPWH BINIGYAN NG ISANG LINGGO UPANG TAPUSIN ANG PAGSASAAYOS SA ROXAS BOULEVARD
PINAKIKILOS agad ni Senate Committee on Public Works Chairperson Ramon Bong Revilla Jr ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ayusin ang bahagi ng Roxas Boulevard malapit sa Baclaran na nasira. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nag-collapse ang lumang box culvert na sumusuporta sa kalsada na nagresulta sa temporary closure ng dalawang southbound lanes ng Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng Airport Road sa Parañaque. Nais ng senador na tapusin ng DPWH ang pagsasaayos sa loob ng isang linggo. “Tinatawagan natin ang DPWH – kailangan gawin…
Read MorePONDO PARA SA TEXTBOOKS AT LEARNING MATERIALS, DINAGDAGAN NG P300M
KINUMPIRMA ni Senador Sherwin Gatchalian na pasok sa inaprubahang panukalang 2025 budget ng Senado ang pagdaragdag ng P300 milyon na pondo para sa mga textbooks at learning materials. Sa ilalim ng Committee Report ng Senado sa panukalang 2025 national budget, P300 milyon ang nadagdag sa P12.4 bilyong una nang inilaan sa mga textbooks at iba pang learning materials. Saklaw ng naturang pondo ang mga textbooks ng mga mag-aaral sa Grade 3 at mga manual para sa guro. Matatandaang inaprubahan na kamakailan ng Senado ang pinal na bersyon nito ng panukalang…
Read MorePAALALA NI PBBM SA MGA SUNDALO: ‘WAG MAGPABUYO SA INGAY NG PULITIKA
BINISITA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga sundalo ng Southern Luzon Command (SOLCOM) kahapon sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, Quezon. Dito ay pinaalalahanan ni Pangulog Marcos ang mga sundalo na huwag magpadala sa nagaganap na ingay ng pulitika. Kasama ng commander in chief sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at General Romeo S. Brawner Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Pinapurihan ng Pangulo ang mga opisyales ng SOLCOM sa kanilang naging mga accomplishment at hinikayat…
Read MoreKasunod ng pahayag ni FPRRD SETTING NG AFP SOCIAL MEDIA ACCOUNT BINAGO
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pansamantala muna nilang ini-disabled ang ilang features ng kanilang social media account. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Colonel Xerxes Trinidad, ito ay dahil sa kanilang na-monitor na suspicious activities mula sa umano’y trolls accounts. Dahilan upang isara ng AFP ang comment section ng kanilang Facebook page makaraang bahain ito ng mga komento at kahina-hinalang mga aktibidad. Ayon kay Col. Trinidad, pansamantala nilang ini-disabled ang ilang features ng kanilang official FB dahil sa kahina-hinalang mga komento. Aniya, bukas…
Read MoreMOU NILAGDAAN NG PASAY LGU AT INDONESIAN GOVT
Sinaksihan nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, HE Agus Widjojo, Indonesian Ambassador to the Philippines at Edgar*Egay”Rubiano ang paglagda sa Memorandum of Understanding sa Conrad Hotel sa Parañaque City. Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pasay City LGU at Indonesian government upang pasiglahin ang matibay na ugnayang pang-ekonomiya at lumikha ng libu-libong mga oportunidad ng trabaho sa Pilipinas. Ang MOU ay nangangahulugan ng isang multi-bilyong foreign investment commitment mula sa Indonesian business community, isang makabuluhang hakbang upang mapanatili ang paglago ng negosyo at ekonomiya ng bansa. Ayon kay…
Read More3 TULAK HULI SA P1.7-M SHABU
CAVITE – Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang naaresto sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska ang P1.7 milyong halaga ng umano’y shabu sa parking lot ng isang kilalang mall sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Nasa kustodiya na ng Gen. Trias Component City Police Station ang naarestong mga suspek na sina alyas “Usman”, “Agul” at “Camile”. Ayon sa ulat, bandang alas-8:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 4A RSET, Philippine…
Read MoreCARNAPPER HULI NANG HINDI MAPAANDAR NINAKAW NA MOTORSIKLO
HINDI na nakapalag pa ang isang lalaki matapos sitahin ng mga pulis kung bakit gunting ang ginagamit nito sa pagpapaandar ng kanyang dalang motorsiklo. Nang hindi maipaliwanag ng maayos, agad na inaresto ng mga miyembro ng Pasig PNP si Alyas “Rengie,” 34-taong gulang, walang asawa, helper ng isang water station at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, Nobyembre 20, 2024 dakong alas-830 ng gabi nang mapansin ni Alyas “Princess,” na nawawala ang kanyang motorsiklo na nakaparada mismo sa harap…
Read More