BONGBONG WAGI RIN SA 7-ELEVEN SURVEY

PANALO si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos maging sa informal poll na isinagawa sa mga customer ng convenience store na 7-Eleven base sa pinakahuling tally ng 7-Eleven SpeakCUP presidential survey. Ayon sa disclaimer ng 7-Eleven, ginawa ang nasabing informal survey, “all done in the spirit of fun,” upang ‘bumoto’ ang kanilang mga customer sa kanilang napupusuang kandidato sa pagkapangulo sa pamamagitan ng pagbili ng 22 oz o 12 oz cup na may larawan at pangalan ng mga ito. Ayon sa pinakahuling running tally na nai-post nitong Marso 21, 2022, sa…

Read More

Panalo ng UniTeam tiniyak ng mga taga Malabon

bbm

Patuloy na nadadagdagan ang mga nagpapahayag ng kanilang suporta na lalo pang nagpapalakas ng tsansa para matiyak ang panalo nang tambalang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Inday Sara Duterte ilang araw na lang bago ang halalan. Kasabay nito tiyak na panalo ang ipinangako ng libo-libong residente ng Malabon na dumalo sa grand rally ng UniTeam na ginanap sa Pinagtipunan Circle, Brgy. Potrero nitong Linggo. “May nanalo na!” ang sigaw ng mga taga-suporta ng UniTeam kaya’t hindi napigilan ni Marcos na sagutin sila ng, “Ganun ba? Sige, magpapasalamat na lang pala ako.”…

Read More

TAWI-TAWI ONE PARTY BUHOS SUPORTA SA UNITEAM

MISMONG sa national headquarters ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. idineklara ng Tawi-Tawi One Party (TOP) sa pangunguna ni Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali ang kanilang buong suporta sa BBM-Sara UniTeam. Personal na pinuntahan ni Gov. Sali kasama ang 10 alkalde, 13 provincial government officials at ng ilan pang lider ng TOP si Marcos para ipaabot ang kanilang buong suporta at pangako na poprotektahan ang kanilang boto sa lalawigan. Ayon kay Gob. Sali, todo-buhos ang kanilang suporta para kay Marcos, tutulungan din aniya siya ng mga alkalde at ng mga…

Read More

IPM-MNAP TODO SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM

INENDORSO ng grupong Pagbabago Movement -Mahalin Natin ang Pilipinas (IPM-MNAP) ang tambalang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Inday Sara Duterte. Kasabay ng panunumpa ng mga miyembro at opisyales sa Maynila na pinangunahan nina Engr. Faith Recto at Chairman Gov. Claude Bautista, nagpakita ang samahan ng kanilang buong pagsuporta sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at running-mate nitong si Inday Sara. Ang IPM-MNAP ay binubuo ng iba’t ibang alyansa, grupo ng mga abogado, engineers, volunteers, businessmen, university owners at institusyon na mayroong kabuuang 7,732,000 rehistrado at verified members mula…

Read More

LGUs MAY BOSES SA UNITEAM ADMIN

SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9. Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan. Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sila ng kanyang running-mate na si Inday Sara ang magsusulong at magtatanggol sa interes ng mga LGU dahil sila ay naniniwala at nagtitiwala sa mga lokal na lider. “Aasahan ninyo na…

Read More

MGA MARIKENYO POPROTEKTAHAN ANG BOTO NI BBM

bbm

IPINAGDIINAN ng mga taga-Marikina na sa pagkakataong ito ay hindi na sila papayag pa na muling madaya si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022. Matatandaang nagkaroon ng matinding dayaan noong 2016 kung saan sa panahong iyon ay tumatakbong bise-presidente si Marcos, subalit natalo sa hindi maipaliwanag na dahilan bagamat malaki ang naitalang lamang sa katunggali nitong si Leni Robredo. Ang hiyawang “Hindi kami papayag na dayain ka!” ay dumagundong sa mahigit 20 ektaryang sakop ng Riverbanks Center, Marikina City noong Sabado, kung…

Read More

Bongbong panalo pa rin sa NCR, 66% LENI, ISKO SUMADSAD SA METRO MANILA

PINANSIN ng Pulse Asia Research, Inc. ang malaking paglipat ng voters’ preference para kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Capital Region (NCR) matapos siyang makakuha ng 66 porsyento sa survey nitong Pebrero, o tumaas ng siyam na porsyento kumpara sa 57 porsyento niya nitong Enero. Sa panayam ng ANC News Channel, sinabi ni Pulse Asia Research Director, Ana Tabunda, na kapansin-pansin ang malaking pagtaas sa voter preference ni Marcos matapos ma-dismiss ang kanyang mga disqualification cases sa Commission on Elections (Comelec), at kahit pa nga hindi siya…

Read More

Bongbong direktang nangangampanya sa taumbayan para ihain ang kanyang plataporma

NANINIWALA si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ang pakikinig at paglapit sa kanyang mga taga-suporta ang pinaka-epektibong paraan upang mailapit niya sa taumbayan ang kanyang mga programa at plataporma. “Mas maganda para sa akin, sa kampanya ko na pumunta sa tao, na imbes nakikipag-away ako, nakikipag-debate ako ay nakikinig ako sa tao at naririnig ko sa kanila kung anong hinaing nila, ano ‘yung pangamba nila sa darating na panahon. Lahat ‘yan, para sa akin mas mahalaga,” sabi ni Marcos sa kanyang panayam sa DZRH. Tinawag pa ni Marcos…

Read More

Statement on Publicus Asia’s Pahayag Survey Results

Maraming salamat po! The latest results showing a 55% voters’ preference rating received by presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. less than two months before the May 9, 2022 elections is very humbling and inspires us to work even harder. The consistent upward trajectory of Bongbong Marcos is a remarkable proof that an overwhelming number of Filipinos have embraced his message of unity, the call to look into the future, work towards nation building and meet the collective aspirations of our people and once again occupy our rightful place as…

Read More