(BERNARD TAGUINOD) HINDI umaasa ang grupo ng kababaihan na aaminin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang tunay na estado o kalagayan ng mga Pilipino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22. Kasabay nito, sinabi ni Clarice Palce, secretary general ng Gabriela na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Kamara na kahit anong pagpapaganda na ginagawa sa Batasan Pambansa Complex para sa ikatlong SONA ni Marcos ay hindi maitatago ang paghihirap at gutom na nararanasan ng mga Pilipino. “Anoman ang pagpapaganda ng Kongreso para sa…
Read MoreCategory: BBM
RED-TAGGING BUHAY SA MARCOS JR. ADMIN
PATULOY ang pangre-red tag sa mga kritiko ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang paniniwala ni House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro kasabay ng pagkastigo kay National Security Adviser Eduardo Año dahil sa patuloy umano nitong pagpapalaganap ng disinformation at pangre-red tag. Ginawa ni Castro ang pahayag matapos sabihin umano ni Año na “nobody is above the law” kaugnay ng pagkondena ng mga ito sa sentensyang ipinataw sa kanila ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 sa kasong…
Read MoreMarcos ginising sa ‘pantasya’ P32-B STADIUM PROJECT INSULTO SA MGA NAGUGUTOM
(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T lugmok sa kahirapan ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, mas inuuna pa ng gobyerno ang pagtatayo ng stadium na nagkakahalaga ng P32 bilyon sa Clark, Pampanga. Tinawag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na ‘misplacement of priorities’ ang proyektong ito na itatayo umano malapit sa Clark International Airport sa nasabing lalawigan dahil mas inuuna ito kesa sa pangangailangan ng mamamayan. “How many public hospitals, schools, or housing projects could be built with P32 billion? It’s like the government is living in…
Read MoreSpeaker Romualdez inilatag agenda ng Kamara 2025 BUDGET TOP PRIORITY NG MARCOS ADMIN
ISANG linggo bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at ang muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso, tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pag-apruba ng Kamara de Representantes sa panukalang 2025 national budget at ang nalalabing panukala na prayoridad na maaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at dagdag na panukalang mailalahad sa SONA. “The House is ready to take swift and decisive action to ensure these legislative priorities are met, paving the way for sustained development and progress under…
Read MorePINOY 2-TAON NANG BIGO KAY BBM
PATULOY na binibigo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sambayanang Pilipino. Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang kalagayan ng mga Pilipino dahil natapos na ang dalawang taon mula nang manungkulan si Marcos ay lugmok pa rin ang mga ito sa kahirapan. “Paliit na nang paliit ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, pagkain, at batayang serbisyo. Tapos ang gobyerno parang binaon pa lalo ang mga Pilipino dahil sa barya-baryang dagdag sahod,” ani Brosas. Lalong nawawalang halaga aniya…
Read MorePAGBANGON SA KAHIRAPAN PRAYORIDAD PA RIN NG MARCOS ADMIN SA IKATLONG TAON
GAYA ng naipangako noong presidential election, prayoridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbangon sa kahirapan ng mga kababayang kapus-palad sa ikatlong taon nito sa Malacañang. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, isa ang “social services” o tulong para sa mamamayan ang nais ni Pang. Marcos na dagdagan ang pondo sa susunod na taon. Isinumite ng Malacañang ang P6.352 trilyong National Expenditure Program para sa taong 2025 sa Kongreso. “Prayoridad talaga ng administrasyong ito ang pagtulong para makabangon sabay-sabay ang mga Pilipino,” ani Romualdez. Aniya pa, “last year…
Read More‘Empty promises’ asahan sa 3rd SONA MARCOS BINIGYAN NG BAGSAK NA GRADO
(BERNARD TAGUINOD) HINDI excited ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil malamang sa hindi ay punong-puno na naman umano ito ng ’empty promises’. Sa press conference kahapon ng Makabayan bloc sa Kamara, kapwa sinabi nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at ACT party-list Rep. France Castro na walang magandang irereport si Marcos sa taumbayan kundi ang nakaiinsultong P35 na umento sa mga manggagawa sa Metro Manila. “This would be just another SONA. Ang tingin…
Read More51M PINOY NAGUGUTOM
MAHIGIT 50 milyong Pilipino o halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang nagugutom sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ang nabatid kay Amihan secretary general Cathy Estavillo dahil sa halip paunlarin aniya ng Pangulo ang sektor ng agrikultura at tulungan ang mga magsasaka ay inaasa nito ang pagkain ng mamamayan sa importasyon. “Fifty one million mamamayang Pilipino ang nagugutom dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,” deklarasyon ni Estavillo kaya sa unang araw…
Read MoreHindi umangat kahit sa sariling balwarte APPROVAL RATING NI MARCOS LAGPAK
LUMAGPAK sa 49% ang approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa North Central Luzon na kanyang balwarte. Mula sa 52% noong unang tatlong buwan ng taon ay nagtala na lamang ng 49% si Marcos sa nasabing rehiyon. Base ito sa Pahayag 2024 second quarter survey na isinagawa mula Hunyo 15-19, 2024 na may mahigit 1,500 respondents. Nakikitang dahilan dito ang hindi mapigilang pagtaas ng mga presyo ng bilihin o inflation gayundin ang problema sa ekonomiya at talamak na korupsyon. Nakapagtala ng mababang 51% overall performance rating ang Marcos administration.…
Read More