HAWAHAN SA NCR BUMABABA

INIULAT ng OCTA Research Group ang bumababang reproduction number o hawahan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Dr. Guido David, hanggang Agosto 31 ay nasa 1.44 na lamang ang reproduction number sa NCR na mas mababa kumpara sa 1.56 noong Agosto 24, 2021. Nakapagtala rin aniya ng pagbaba sa Quezon City na nasa 1.27 na lamang mula sa dating 1.47 noong Agosto 24, gayundin sa Maynila na nasa 1.33 na lamang mula sa dating 1.49. Ani David, maaaring indikasyon ito na pababa na ang mga kaso ng…

Read More

PAGBILI NG COVID VAX PASPASAN – BONGBONG MARCOS

KUMPLIKADONG proseso ang nakikitang dahilan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa likod ng makupad na vaccine rollout ng gobyerno, kaya naman ang kanyang panawagan – pahintulutan ang local government units (LGUs) na bumili ng bakuna. Ayon kay Marcos, kailangang rebisahin ng gobyerno ang kanilang proseso sa pag-angkat ng COVID-19 vaccines mula sa ibang bansa kung nais nitong mahagip ang target na herd immunity. Dapat din aniyang iwaksi ang red tape sa prosesong puntirya ng mga LGU sa gitna ng kapos na suplay na dumarating sa kani-kanilang lokalidad. “To…

Read More

COVID-19 RESPONSE FUNDS ‘DI NAWAWALA – GOV SUAREZ

PINABULAANAN ni Quezon Gov. Danilo Suarez ang kumakalat na isyu tungkol sa kinukuwestiyong COVID response funds sa lalawigan. Ayon kay Suarez, ang Commission on Audit (COA) report ay noong year-end 2019 pa gayung taong 2020 nang manalasa ang deadly coronavirus sa bansa. “To be clear and factual, the cited report is based on a COA report for year-end 2019. Covid is a 2020 phenomenon for Quezon and the Philippines. In 2019, no Covid response funds were released by the province as there were no recorded cases at that time,” ani…

Read More

Habang busy si Duterte sa pamumulitika – solon 2021 COVID CASES SA PINAS PAPALO SA 3-4M

SUKDULANG pamumulitika kaugnay ng masidhing hangaring manatili sa poder ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakikitang dahilan sa posibleng patuloy na paglobo ng mga kaso ng nakahahawang coronavirus disease sa bansa. Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni party-list Rep. France Castro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pinakahuling pagtatayang isinapubliko ng OCTA Research Group hinggil sa inaasahang panibagong pagsirit ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Bukod dito ang pagtataya ng iba pang eksperto na maaaring umabot sa higit tatlo hanggang apat na…

Read More

Pangako ng Chinese General Hospital HAZARD PAY MAKUKUHA NA

NANGAKO ang pamunuan ng Chinese General Hospital (CGH) na ipapamahagi na sa kanilang mga healthcare workers (HCWs) ang special risk allowance (SRA) ngayong linggo makaraang matanggap na ang pondo mula sa Department of Health (DOH). Ayon kay CGH medical director Dr. Samuel Ang, nasa P21 milyon ang natanggap nilang pondo mula sa DOH nito lamang nakaraang Biyernes. “We would like to convey to the public that CGHMC management and its roster of health workers remain committed in its goals in maintaining quality service to its patients and a safe, healthy…

Read More

DELTA VARIANT SA PINAS, 1,189 NA

SUMAMPA na sa 1,189 ang kumpirmadong bilang ng mga tinamaan ng higit na mabagsik na Delta variant makaraang makapagtala ng 516 karagdagang kaso ng mutated virus strain batay sa pinakahuling ‘whole genome sequencing’ ng UP Philippine Genome Center. Sa Bio-Surveillance Report ng UP-PGC nitong Agosto 27, sa 748 kabuuang samples na isinailalim sa sequencing, 516 ang Delta variant (68.98%), 81 ang Beta variant (10.83%), 73 ang Alpha variant (9.76%) at 41 ang P.3 variant (5.48%). Sa kabuuang 1,789 kaso ng kumpirmadong kaso ng Delta variant, 33 na ang nasawi samantalang…

Read More

FACE-TO-FACE CLASSES ITUTULOY

IREREKOMENDA ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa mga lugar na may mababang bilang ng COVID-19 cases. “The presentation will show that the benefits of pilot face-to-face classes in areas with low COVID-19 cases outweigh the risk,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “The presentation should be made soon before the opening of classes in September and should help the President make the decision,” dagdag na pahayag nito. Hindi pa sakop ng COVID-19 vaccination…

Read More

PAGBABAKUNA SA MGA GURO BILISAN – MARCOS

KAILANGANG bilisan ang pagbabakuna sa mga guro ngayong ilang araw na lamang at magbubukas na muli ang klase sa mga pampublikong paaralan. Giit ito ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kaugnay ng nakatakdang school opening sa darating na Setyembre 13. Ayon sa dating senador, dapat makabilang ang mga guro sa essential workers classification ng national vaccination program upang mapadali ang pagbabakuna sa kanila. Naalarma si Marcos sa ulat na sa mahigit 900,000 teaching and non-teaching personnel ng Department of Education, 80,792 pa lamang sa mga ito ang nabigyan ng unang…

Read More

SECTORAL GROUPS SA SAMAR PINATUTULONG SA PAGPAPALAGANAP NG KUMPIYANSA SA BAKUNA

HINIKAYAT ng isang lider ng Senado ang mga local leader sa Northern Samar na tumulong sa pagpapataas ng public awareness at kumpiyansa ng mamamayan sa bakuna upang maprotektahan ang komunidad mula sa COVID-19. Pahayag ito ni Sen. Christopher Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, sa mga residente ng Las Vagas, Northern Samar kasabay ng paghahatid ng kanyang grupo ng tulong sa mga ito. Sa kanyang video message sa distribution activity sa Las Navas, Northern Samar noong Miyerkoles, hinikayat din ni Go ang mga national at local…

Read More