NCR MANANATILI SA MECQ HANGGANG SEPT. 7

MANANATILI sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status ang National Capital Region (NCR) hanggang Setyembre 7. Nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin din sa MECQ ang Apayao, Ilocos Norte, Bulacan at Bataan sa Region 3, Cavite, Lucena City, Rizal at Laguna sa Region 4-A para sa Luzon; Aklan, Iloilo Province at Iloilo City sa Region 6, Lapu-Lapu City, Cebu City at Mandaue City sa Region 7 para sa Visayas; at Cagayan de Oro City para sa Mindanao. Ang NCR, Bataan at Laguna ay kailangan na magdagdag na paghihigpit…

Read More

Iniimbestigahan sa Batangas 42 BAKUNADO NAMATAY

IKINAALARMA ng Provincial Health Office (PHO) sa lalawigan ng Batangas ang pagkamatay ng 42 indibidwal na nabakunahan ng kanilang una at ikalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 infection. Ito ang naibunyag ng isang health officer ng lalawigan na kasapi ng provincial Inter-Agency Task Force (IATF), kung saan walo sa sampung nasawi ay nakatanggap ng kanilang unang dose habang ang dalawa ay fully-vaccinated na. Nabatid sa report na ang pangyayari ay nakatakdang imbestigahan ng local-IATF kabilang na ang nasa 32 iba pang mga residenteng fully-vaccinated na namatay dahil sa pagkakaturok sa…

Read More

MINORS MAHALAGANG MABAKUNAHAN

BINIGYANG DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga menor de edad, lalo na ‘yung mga may edad labindalawa (12) hanggang labing pito (17), upang iangat ang kumpiyansa ng mga magulang sa kaligtasan ng muling pagbubukas ng mga paaralan. Ayon sa isang Pulse Asia survey na kinomisyon ni Gatchalian, ang kasalukuyang panganib sa pagpunta sa mga paaralan ang pangunahing dahilan ng mga magulang at mga guardian sa hindi pagsang-ayon sa face-to-face classes. Isinagawa ang survey noong Hunyo 7-16, kung saan may mahigit isang libo (1,200) ang lumahok.…

Read More

635 DEATHS INIUGNAY SA COVID VACCINES

IBINUNYAG ng grupong Covid Call to Humanity (CCH) na may mahigit 600 indibidwal ang sinasabing nasawi matapos mabakunahan ng pangontra sa COVID-19 infection. Ito ang inihayag ng CCH matapos silang makakuha ng datos mula mismo sa Food and Drug Administration (FDA) sa pamamagitan ng Freedom of Information (FOI) na kanilang hiniling. Batay sa impormasyon ng FDA, partikular sa status ng epekto ng adverse effect sa mga indibidwal na naturukan ng bakuna laban sa virus ay nasa kabuuang 635 na ang nasasawi habang nasa 1,718 naman ang patuloy na inoobserbahan sa…

Read More

MARCOS: ESSENTIAL WORKERS IPRAYORIDAD SA PAGBABAKUNA

HINIMOK ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pamahalaan na isama sa priority list ng vaccination program ang mga essential worker, partikular iyong mga nagtatrabaho sa food chain business and basic service utilities. “We categorized them as authorized persons outside of residence (APOR) and allow them to go out for a living, that’s why we must have them vaccinated,” paliwanag ni Marcos. Ayon kay Marcos, bagaman naabot na ng maraming local government units, partikular sa urban centers ang pagbabakuna sa category A4 o essential workers, marami pa ring bahagi…

Read More

MODERNA, ASTRAZENECA ‘DI NA TUMATANGGAP NG ORDER

HINDI na tumatanggap ng vaccine orders para sa “first wave procurement” ang Moderna at AstraZeneca.Sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi na ang tinatanggap na lamang ng Moderna at AstraZeneca ay iyong vaccine orders para sa “second wave procurement.” “Ibig sabihin, ibang produkto na ‘yon. Either it’s a booster or a new product na second generation vaccine, hindi ‘yong first generation vaccine,” ani Galvez. Hinihintay pa rin naman ng pamahalaan ang presentasyon ng dalawang vaccine brands…

Read More

GASTOS SA COVID VACCINES IDEDETALYE SA SENADO

KAABANG-ABANG ang gagawing pagharap ng mga taga-Department of Finance at National Task Force against COVID-19 sa Senado ngayong araw para sa isang pagdinig na may kinalaman sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna. Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., wala siyang eksaktong numero na mailahad patungkol sa expenses ng pamahalaan at bahala na aniya rito ang Finance Department upang hindi magkaroon ng conflicting figures. Magkagayon man, sinabi ni Galvez na ang kabuuang budget para sa vaccine purchase na inilaan ay pumapalo sa 88.6 billion…

Read More

BAKUNA SAPAT NA SA NCR PLUS 8

SAPAT na ang kailangang bakuna para sa mga taga-Metro Manila kasunod ng tuloy-tuloy na delivery ng bakuna nitong mga nakaraang araw. Kaya wala nang nakikitang problema pa ang National Task Force against COVID-19 sa suplay ng bakuna sa Kalakhang Maynila. Sinabi ni Chief Implementer at Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na 14 milyong doses na ang dumating kamakailan lamang habang may 5 milyon pa ang paparating na bakuna kaya magagawa na nitong suportahan ang bakunang kailangan hindi lamang para sa NCR+ kundi pati sa Region 4A, Region 3, Region 6,…

Read More

PH BOXERS WORLD RANKING APEKTADO NG COVID – GAB

“MAGANDA ang katayuan sa ranking ng ating mga boksingero, kung hindi nga lang naapketuhan ng pandemic ang professional sports.” Ito ang pahayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ ­Mitra hinggil sa patuloy na epekto ng COVID-19 pandemic sa mga Pilipinong boksingero. “Napalaban na sa mga local at international promotions ang ating mga fighter at posibleng mailaban sila para sa titulo,” dagdag ni Mirta. Dalawang Pinoy ang top two contender para sa flyweight division (112 lbs.) ng World ­Boxing Council (WBC) Asian ­Boxing Council na ­kasalukuyang tangan ni…

Read More