PILIPINAS KULELAT SA KAMPANYA VS COVID-19

PANGALAWA ang Pilipinas sa 53 bansa na pinakamababa pagdating sa katatagan sa pagharap sa COVID-19 pandemic. Ito ang resulta ng pag-aaral na inilabas ng Bloomberg na sumukat sa katatagan ng 53 bansa sa pagharap sa pandemya dulot ng COVID 19 kung saan nasa ika – 52 puwesto ang Pilipinas. Base sa COVID Resilience Ranking ng Bloomberg, nakakuha ang Pilipinas ng iskor na 45.3 kasunod ang pinakakulelat na Argentina na nakakuha naman ng 37 punto. Nanguna sa listahan ang US na may 76 high resiliency score, sinundan ng 73.7 ng New…

Read More

Malapit kina Galvez, Dizon sapat ang suplay? MAY PALAKASAN SA BAKUNA – SOLON

INAKUSAHAN ng isang mambabatas na nagkakaroon ng palakasan sa distribusyon ng COVID-19 vaccines dahil ang malalapit umano kina vaccine czar Carlito Galvez at testing czar Vince Dizon ang nakakakuha ng sapat na bakuna. Sa press conference kahapon ni Iloilo Rep. Janette Garin, ito umano ang dahilan kaya maraming lugar sa bansa ang hindi nakakakuha ng sapat na bakuna taliwas sa equal distribution na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Yes. Nagkakaroon ng palakasan. Eh kasi tatawag ka, umiikot at papasyal sa iyo si Secretary Dizon, papasyal sa ‘yo si General Galvez…

Read More

COVID-19 RESPONSE NG AYALA GROUP KINILALA

NAKATANGGAP ang Ayala Group of Companies ng Award of Merit mula sa 2021 Gold Quill Awards ng International Association of Business Communicators sa aktibong pagtugon at pagtulong ng grupo sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19. Ang Ayala ang natatanging business group sa Pilipinas na kinilala sa COVID-19 Response & Recovery Management and Communication category dahil sa lubos at tuloy-tuloy nitong pagkalinga sa ecosystem na binubuo ng mga empleyado, partner, customer, at sa karaniwang Pilipino na labis na naapektuhan ng pandemya. Sa nakaraang Mayo, nakapaglaan na ang Ayala Group ng…

Read More

NCR PLUS MANANATILI SA GCQ HANGGANG JULY 15

MANANATILI sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region Plus hanggang Hulyo 15. Sa rekomendasyon ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF), ang Metro Manila at mga lalawigan ng Rizal at Bulacan ay mananatili sa GCQ “with some restrictions” Hulyo 1 hanggang sa Hulyo 15, 2021 habang ang Laguna at Cavite ay isasailalim naman sa GCQ “with heightened restrictions” sa kapareho ring petsa. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay inilahad ni Health Secretary Francisco Duque III na simula, Hulyo 1 naman, ang…

Read More

Sa panahon ng ECQ, MECQ QC WORKERS TATANGGAP NG P500 HAZARD PAY

TATANGGAP ng P500 hazard pay allowance kada araw ang lahat ng eligible workers ng Quezon City matapos aprubahan ng lokal na pamahalaan ang P250 million pondo para sa mga nagtrabaho sa panahon ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ. “All our workers on-duty deserve to be fairly compensated for their sacrifices especially since they face the inevitable risk of contracting the virus,” ani Mayor Joy Belmonte. “They deserve no less as they continue to support us in the delivery of our services and programs to the public,”…

Read More

Fixers tinututukan ng PNP ISKEDYUL NG BAKUNA PINAGKAKAKITAAN

ITO ang nabulgar na modus operandi ng mga fixer na hinihinalang nagmamanman sa COVID-19 vaccination sites na dinadagsa ng mga nais na magpabakuna. Bunsod nito, inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na silipin ang ilegal na operasyon ng mga “fixer” na naniningil para sa mas maagang iskedyul ng mga taong gusto nang magpabakuna. Napag-alam, nagbaba ng direktiba si P/Gen. Eleazar kasunod ng ginawang pagbubunyag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na may dalawang fixer ang nahuling…

Read More

MAGALONG MANANATILING TRACING CZAR

MANANATILING tracing czar si Baguio City Mayor Benjie Magalong. Sa katunayan, ani Presidential spokesperson Harry Roque ay patuloy ang mga ibinibigay na pagsasanay o training ng alkalde sa iba’t ibang mga Local Government Unit (LGUs) para sa epektibong contact tracing system. “Si Mayor Magalong pa rin po, at ang alam ko po ay patuloy ang kaniyang ginagawang training sa iba’t ibang mga LGUs para sa epektibong contact tracing system,” ani Sec. Roque. Sinabi pa ni Sec. Roque na mahalaga ang ginagampanang papel ni Magalong lalo na at pinaghahandaan ng gobyerno…

Read More

PAGLUWAG SA NCR ‘DI PA NAPAGPAPASYAHAN

MAHIRAP pang mapaluwag ang quarantine classifications o status ng Kalakhang Maynila. Ang Kalakhang Maynila ay kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ) na mapapaso na sa Hunyo 30. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nakatakdang magpulong [kahapon ng] hapon para pag-usapan ang quarantine classifications ng mga lugar para sa buwan ng Hulyo. “I will not pre-judge pero sa tingin ko po ay GCQ po ang ating current quarantine classifications sa Metro Manila, e siguro po…

Read More

BULACAN TOWN MAYOR POSITIBO ULI SA COVID-19

MAKARAAN ang mahigit tatlong buwan mula nang makarekober sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) ay muling nagpositibo sa nasabing virus ang alkalde ng San Ildefonso, Bulacan. Sa kanyang social media post nitong Lunes ng umaga, inamin ni Mayor Carla Galvez-Tan na muli siyang nagpositibo sa COVID-19 makaraang sumailalim sa RT-PCR test at isasailalim muli sa 14 to 20-day home quarantine. Magugunitang noong Marso 17, 2021 nang umang magpositibo sa COVID-19 si Mayor Tan at matapos ang 14-day home quarantine ay gumaling ngunit dahil sa patuloy na walang tigil na trabaho bilang punong…

Read More