(Fernan Angeles) BALIK-operasyon na naman ang sindikatong kinabibilangan ng ilang tiwaling opisyal sa pangunahing paliparan ng bansa. Sa eksklusibong panayam sa isang kawani ng Ninoy Aquino International Airport, kumpirmadong pasok na naman ang sindikatong dating nagmaniobra sa sapilitang paniningil sa mga balikbayan para umano sa COVID-19 testing gamit lamang ay antigen test kits. Sa kanilang pagbabalik-operasyon, kakaibang gimik naman ang kanilang ginagamit na estilo. Ayaw umanong kilalanin sa nasabing paliparan ang mga vaccine ID na inisyu ng Estados Unidos, sa kabila ng pahayag ng Palasyo na una nang nagsabing pitong…
Read MoreCategory: COVID-19
Iminungkahing ipaubaya sa barangay BAKUNA GINAGAMIT NA SA PAMUMULITIKA
TILA nagagamit na sa pulitika ang bakuna, hindi lamang ng mga tumatarget sa national position kundi maging ang mga local official na may ambisyon sa 2022 elections. Ito ang puna ni ACT party-list Rep. France Castro, na naniniwalang mas lalala ang paggamit sa bakuna para magpakitang gilas sa mamamayan ang mga politiko at maalala sila pagdating ng araw ng halalan. “Nagagamit ang bakuna ng mga pumupustura sa 2022,” ani Castro kung saan idinagdag nito na “kahit sa pagdating ng bakuna sa airport ay kailangan pang salubungin ng mga pumupustura para…
Read MorePDuterte hindi pa fully vaccinated INIYABANG NI DURANTE BINAWI NI ROQUE
PINASINUNGALINGAN ng Malakanyang ang naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, “mistakenly informed” di umano si Durante ng kanyang medical staff na nabigyan na nga ng second dose si Pangulong Duterte. “This is in reference to the remarks of Presidential Security Group (PSG) Commander BGEN Jesus Durante III on President Rodrigo Roa Duterte receiving a second dose of the anti-COVID-19 vaccine,” ayon kay Sec. Roque. “Gen. Durante was Further, Gen.…
Read MoreKapag nabakunahan ang 50% population NO FACE MASK MAAARI NANG IPATUPAD
KAILANGAN lamang na mabakunahan ang 40% hanggang 50% ng populasyon para hindi na magsuot pa ng face mask ang mga mamamayan. Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Malacanang, sinabi ni Molecular Biologist Dr and Reverend Nicanor Austriaco na sa sandaling maabot na ang 50% population vaccination sa isang komunidad, dito na papasok ang containment. Maliban dito ay maaaring hindi mag- face mask, mapipigilan din ng containment ang surges bagamat maaari pa ding magkaroon ng outbreak pero hindi na ito pa kakalat ng napakabilis. Maaari rin aniyang magbukas…
Read More10 PA TUMBA SA COVID SA CAMANAVA
SAMPU katao ang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hunyo 24, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, walo ang binawian ng buhay sa Caloocan City at 584 ang active cases matapos na 33 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 37,847 ang tinamaan ng COVID sa siyudad, kung saan 36,195 na ang gumaling at 1,068 na namatay. Isa naman ang namatay sa Navotas City at 46 ang active cases matapos na 14 ang gumaling at lima ang nahawaan. Sumampa na sa…
Read More‘MIXING AND MATCHING’ NG COVID VAX INAARAL PA
PINAG-AARALAN pa rin ang posibilidad na paggamit ng isang tao na magkaibang brand ng bakuna laban sa COVID-19 para sa kanyang 1st dose at 2nd dose. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pa ring konklusyon ang mga dalubhasa sa usaping ito. “Specifically, dahil ang tanong mo is from inactivated to MRNI ‘no, so pinag-aaralan po iyan pero may—well I’m not a dalubhasa. Perhaps si Father (Austriaco) can share his views being a molecular biologist,” ani Sec. Roque. Para naman kay Fr. Nicanor Robles Austriaco, Jr., OP…
Read MoreNCR PRAYORIDAD PA RIN SA BAKUNA
PABOR ang Malakanyang sa panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat manatili pa ring prayoridad ang Kalakhang Maynila sa bakuna laban sa COVID-19. Ang katuwiran kasi ni MMDA chair Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila ang may pinakamadaling magkaroon ng hawahan ng Delta Variant bukod pa sa ito ang sentro ng komersyo, negosyo, at pangunahing port of entry. “We agreed po with MMDA chair at iyong siyensa.. iyan po ang dahilan kung bakit.. para po ma-contain ang pagkalat sa buong Pilipinas dahil sentro nga po ang Metro Manila…
Read More5 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS
LIMA ang nadagdag sa death toll sa COVID-19 sa Caloocan City habang isa naman sa Valenzuela City noong Hunyo 23. Pumalo na sa 37,694 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 35,986 na ang gumaling habang 1,060 ang namatay. Naitala naman sa 648 ang active cases sa lungsod matapos na 29 ang bagong nagpositibo sa virus. Samantala, sumampa na sa 20,530 ang nasapul ng pandemya sa Valenzuela City, kung saan 19,804 na ang nakarekober at 529 ang binawian ng buhay. Batay sa record ng City Epidemiology…
Read More10 LUGAR KASAMA SA TOP PRIORITY SA SUPLAY NG BAKUNA
ISINAMA na ng pamahalaan ang 10 lugar sa top priority nito para sa distribusyon ng bakuna laban sa COVID-19. Limitado lang kasi sa “NCR Plus 8,” kabilang na ang Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal ang mga bakuna. Tinatayang nasa 38 hanggang 42 porsiyento ng COVID-19 shots ng Pilipinas ang nakalaan sa mga ito. “President Rodrigo Duterte “has ordered equitable distribution” of the vaccines,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Ibig sabihin, ang priority na po natin is Metro Manila Plus 8 Plus…
Read More