Kahit talunan sa Eleksyon 2022 BIGONG MAGSUMITE NG SOCE KAKASUHAN, PAGMUMULTAHIN

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na mahaharap sa parusa at multa ang mga bigong magsumite ng Statements of Contribution and Expenditures (SOCEs) sa itinakdang araw kahit pa ang mga natalo sa nakaraang halalan. Sa pagtatapos ng panahon ng paghahain ng SOCE nitong Hunyo 8, sinabi ng Comelec na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang mga tinalo sa pagkapangulo na sina Panfilo Lacson, Jose Montemayor Jr., Leni Robredo, Manny Pacquiao, Isko Moreno Domagoso, at Leody de Guzman ang nagdeklara ng kanilang mga gastos at kontribusyon sa kampanya. Sina…

Read More

BAYAD SA SMARTMATIC NAKABITIN PA RIN

HINDI pa babayaran ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic habang sinisiyasat ang mga aberyang dulot ng kanilang sablay na Vote Counting Machines (VCM). Matatandaang nagdulot ng mahabang pila at kalbaryo sa mga botante nitong nakaraang halalan ng Mayo 9 ang mga palyadong VCM. Ayon kay John Rex Laudiangco, acting spokesperson ng Comelec, gumugulong na ang imbestigasyon ukol sa mga alegasyon sa VCMs at nanawagan ito na hayaan muna ng publiko na matapos ang proseso. Hindi rin masabi ni Laudiangco kung mailalagay sa ‘blacklist’ ng Comelec ang Smartmatic dahil kailangang…

Read More

IREGULARIDAD SA HALALAN FAKE NEWS – PPCRV

PINAWI ng election watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang agam-agam hinggil sa umano’y iregularidad sa katatapos pa lamang na halalan. Sa isang kalatas, hayagang sinabi ni PPCRV na wala silang nakikitang anomalyang giit ng mga natalong kandidato – partikular sa isyung 68:32 ratio sa bilang na nakuha nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Vice President Leni Robredo sa halalang ginanap nito lamang nakaraang Lunes. Sa pag-aaral ng mga henyo sa larangan ng matematika mula sa Ateneo de Manila University, pare-pareho ang dating ng mga bilang dahil…

Read More

ELEKSYON 2022 HITIK SA ABERYA, KARAHASAN

KABI-KABILANG aberya ang idinulog ng mga botante kaugnay ng pagkaantala sa pagboto makaraang makataan ng depekto ang mga vote-counting machines (VCM) at SD cards na gamit sa automated election na pinangangasiwaan ng Commission on Elections (Comelec). Pinakamataas ang antas ng aberya sa National Capital Region kung saan hindi bababa sa 50 VCMs ang iniulat na depektibo sa hudyat ng pagbubukas ng mga polling precincts eksaktong alas 6:00 ng umaga. Bagamat napalitan naman ng Comelec ang mga sirang VCMs, nagdulot naman ito mahabang pila sa mga pampublikong paaralang itinakdang polling places…

Read More

BINAY NO SHOW PA RIN SA ELECTION RALLY KAHIT SA SARILING BALWARTE

SA kahuli-hulihang campaign rally para sa 2022 national elections ay no show pa rin si dating Vice President at senatorial bet Jejomar Binay kahit pa sa Leni-Kiko miting de avance na ginanap sa sarili nitong balwarte sa Makati City. Ipinaliwanag ng isang political analyst na mahalaga ang pagdalo sa mga campaign rally lalo na sa miting de avance dahil ito na ang pag-consolidate sa buong kampanya ng isang kandidato. “Maliban na lamang kung may seguridad na ang isang kandidato na mananalo sya ay importante talaga na dumalo ang mga kandidato…

Read More

De Vera ng CHED, inendorso si Legarda

Inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) chairman J. Prospero “Popoy” De Vera III ang kanyang suporta sa kandidatura ni Antique representative Loren Legarda sa pagka-Senadora. Sa kanyang Facebook page, ipinaliwanag ni De Vera kung bakit niya ineendorso si Legarda, na isang kampeon ng edukasyon noong siya’y nanungkulan bilang Senadora. “Maraming hindi nakakaalam na bago pa maipasa ang RA 10931 (Universal Access to Quality Education Law), Si Senadora Loren, na namuno sa Senate Committee on Finance, ay nakapagsubi ng P8B sa CHED noong 2017 GAA para ang 800,000 na estudyante…

Read More

SARA: VOTE FOR BBM, HE WILL NEVER SLEEP WITH THE ENEMIES

GUIMBAL, Iloilo – “Bongbong Marcos will never sleep with the enemies of the state.” Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte gave this glowing description of presidential hopeful Marcos during their “miting de avance” here, the first of three scheduled this week by the UniTeam alliance to close the 90-day campaign period. “Sa kampanyang ito hindi si Bongbong Marcos, hindi nakipag-usap sa mga grupo na gusto[ng] ipabagsak ang gobyerno. Sa kampanyang ito hindi siya nakipagkasundo sa mga tao o mga grupo na sumusuporta sa mga…

Read More

MAIINGAY NA SUPPORTERS NI LENI, HINDI BOTANTE

HINDI nakapiyok ang mga kilalang supporter ni Vice President Leni Robredo sa patutsada ni Manila Times columnist Bobby Tiglao na hindi sila mga botante sa Pilipinas at hindi maaaring bumoto sa darating na Mayo 9. Hanggang sinusulat ito ay tahimik ang kampo nina Maria Ressa at Jim Paredes sa patutsada ni Tiglao. Sina Ressa at Paredes, kasama ang nakatira rin sa US na si Loida Lewis at iba pang supporter na US citizens, ang nangunguna para ikampanya si Robredo na wala namang ginawa kundi siraan ang kampo ni presidential frontrunner…

Read More

PDU30 IMBITADO SA PDP-LABAN AT UNITEAM RALLY

KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam. Ito ang inihayag ni Acting Presidential spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag-uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally. Sa katunayan ani Andanar ay mayroon nang imbitasyon ang Pangulo bagama’t wala namang nabanggit pa kung kailan at saan gagawin ang campaign rally ng dalawang kampo. Ayon naman kay Secretary-General at Cabsec Melvin Matibag ay kanilang inaasahang magpapaunlak sa imbitasyon ang Punong Ehekutibo. (CHRISTIAN…

Read More