SA gitna ng daan-libong supporters na tumangkilik sa BBM-Sara unity caravan sa Lungsod Quezon nitong Miyerkoles (Disyembre 8) ay sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang boto para sa mapagkaisang tambalan nila ni vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ay boto para sa tunay na pagbubuklod ng sambayanan. Ito ang iginiit ni Marcos Jr., sa motorcade ng BBM-Sara UniTeam na halos hindi makausad sa kahabaan ng Commonwealth Ave., na tinaguriang pinakamalawak na kalsada sa Pilipinas, dahil sa kapal ng taga-suporta na sumalubong sa kanila. Ang southbound…
Read MoreCategory: HALALAN 2022
13 oras ‘di sapat sa 64M botante – solons MARAMING ‘DI MAKABOBOTO SA 2022
(BERNARD TAGUINOD) PANGAMBA ng mga militanteng kongresista, maraming hindi makakaboto sa nalalapit na halalan kung hindi magagawang palawigin ng ang 13 oras takdang haba ng pagboto. Ayon kay House deputy minority leader Carlos Zarate, mismong ang Commission on Elections (Comelec) ang nagsabing hindi sapat ang 13 oras para sa 64 milyon botanteng magtutungo sa mga polling precincts pagsapit ng takdang araw ng halalan sa Mayo ng susunod na taon. “Based sa dry run ng Comelec, average ng 15 to 20 minutes ang kailangan para matapos ang pagboto ng isang tao…
Read MoreNARCO POLITICIANS WAG IBOTO — PDEA
WALANG puwang sa gobyerno ang mga politikong sangkot sa kalakalan ng droga. Ito ang giit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasabay ng panawagang pagbasura sa kandidatura ng mga kandidatong sangkot sa pagpapalaganap ng droga. Panawagan ni PDEA Director-General Wilkins Villanueva sa publiko, huwag hayaang manalo sa 2022 general elections ang mga nagkakalat ng salot, kasunod ng pagkakadakip ng isang mayoralty candidate at apat pang iba sa isinagawang operasyon sa Mountain Province kamakailan. Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang mahagip ng pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office-Cordillera Administrative…
Read MoreOrdinary-minded is better – PRRD IBOBOTO ‘DI KAILANGAN MATALINO
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga botante sa nalalapit na Eleksyon 2022 na huwag maakit sa smart candidates, mas mabuti na pagkatiwalaan ng kanilang boto ang mga “ordinary-minded” candidates. “Why don’t you get… Kasi masyadong, huwag kayo kumuha ng bright, mga brilliant. You know what?” ayon kay Pangulong Duterte. “Maghanap kayo ng kandidato na ordinaryong Filipino. Bigyan ninyo ng panahon at ipakita niya,” dagdag na pahayag nito. Naniniwala ang pangulo na nasa mabuting kamay ang mamamayang Filipino sa “ordinary-minded candidates.” Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay…
Read MoreLabas sa magic 12 at takot mabisto na walang boto LENI TIKLOP SA SENADO
MAKARAANG magpahiwatig ng suporta sa tambalang Isko Moreno-Manny Pacquiao bilang pambato ng oposisyon sa nalalapit na 2022 presidential derby, maging pagtakbo sa Senado ay inayawan din ni Vice President Leni Robredo kasabay ng pahiwatig na target na lang nitong kumandidato para sa isang local position. Sa isang panayam, tahasang sinabi ni Robredo na ang pagtakbong senador ay malayo sa kanyang plano. Pag-amin pa niya, hindi siya kumbinsidong magiging epektibo siya bilang isang mambabatas bagamat isa siyang kongresista bago pa man naging Bise-Presidente. “No, I’m not,” tugon ni Robredo nang tanungin…
Read More46% ng Pinoy hindi boboto sa 2022 – survey NO-EL SCENARIO KINONTRA
“MAY pandemya o wala, dapat tuloy ang eleksyon.” Ito ang pahayag ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano nang lumutang ang no-election (No-El) scenario matapos lumabas sa isang survey na 46% sa mga Filipino ay hindi boboto sa susunod na eleksyon dahil sa takot ng mga ito sa COVID-19. Ayon sa mambabatas, hindi dapat gamitin ang resulta ng survey na ito ng Pulse Asia para ipagpaliban ang susunod na halalan dahil maaari pang magbago ang isip ng mga tao pagdating ng araw ng halalan. “The survey said they prefer…
Read More46% NG MGA PINOY, HINDI BOBOTO KUNG MAGPAPATULOY ANG COVID-19 PANDEMIC SA ELEKSYON
INIHAYAG ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nasa 46 porsiyento ng mga Pinoy ang hindi boboto sa Mayo 2022 elections kung magpapatuloy ang COVID 19 pandemic. Sinabi ni Zubiri na batay ito sa kanyang pinakomisyon na survey sa Pulse Asia kaugnay sa kahandaan ng taumbayan sa vaccination program at sa national elections. “Hindi po natin sila masisisi kung ganun ang kanilang pangamba at posisyon. Mas mahalaga naman po talaga ang buhay kaysa sa pagboto,” saad ni Zubiri. “Nakakatakot lang dahil posible pong ang mahahalal na mga lider ng…
Read MoreBOTO NG PILIPINAS LABAN SA ISRAEL ITINANGGI
BINIGYANG DIIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang basbas o go signal sa pagboto ng Pilipinas pabor sa isinusulong na imbestigasyon ng United Nations sa naging aksyon ng Israel sa Gaza Strip. Nagsagawa muna ng pagtatanong ang pangulo ukol sa sitwasyon matapos niyang sabihin na dadalo sana siya sa exit call ng Israel envoy to the Philippines. “Sino ba may alam diyan? What was that ruckus about? Our representative voted without consulting the home government,” dagdag na pahayag ng pangulo. Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas nang ipatawag…
Read MoreNORMAL GCQ SA NCR PAGBOBOTOHAN
MAGBOBOTOHAN ang mga alkalde sa Kalakhang Maynila para sa susunod na community quarantine na paiiralin simula sa Hunyo 16. Nabatid na wala pang pinal na desisyon ang Metro Manila mayors kaugnay sa posibilidad na isailalim sa normal general community quarantine ang National Capital Region (NCR). Sinang-ayunan naman ng ilang alkalde na unti-unti nang luwagan ang restrictions sa NCR kada buwan pero pagbobotohan pa ang kanilang magiging pinal na desisyon ukol sa planong ilagay na sa normal GCQ ang buong Kamaynilaan at ilang lalawigan. Sinabi naman ni Testing Czar Secretary Vince…
Read More