IMBESTIGAHAN NATIN ni JOEL O. AMONGO MARAMING naniniwala o mataas ang ekspektasyon ng mga tao, kasama na ang ilang mambabatas, na mapangangasiwaan nang maayos ni dating Senador at Kongresista Ralph Recto ang pangangalap ng pera ng gobyerno sa kanyang bagong pwesto bilang kalihim ng Finance Department. Ang Department of Finance (DOF) na opisina ng gobyerno ang naatasan na maghanap ng pera para sa gastusin ng gobyerno sa iba’t ibang proyekto nito. Katuwang ng DOF sa pangangalap ng pera para may magamit na pondo ang pamahalaan, ang Bureau of Internal Revenue…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
P883.624-B RECORD-BREAKING COLLECTION NG BOC NOONG 2023 IBINIDA NI RUBIO
BINIGYANG-DIIN ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang accomplishments ng Bureau of Customs (BOC) noong 2023 at binalangkas ang mga layunin para sa 2024 sa bureau’s New Year’s Call noong Enero 10, 2024. Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng pangunahing mga opisyal ng BOC, kasama ang Assistant Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors, at Division Chiefs. Ini-highlight ng Commissioner ang mga nagawa nila sa ilalim ng 5-point priority program, ang tagumpay sa digitalization ng 96.99% ng mga proseso ng customs. Ipinagmalaki rin ng BOC ang kanilang naabot na record-breaking collection…
Read MoreP7.507-M SHABU NASABAT SA BOC PORT OF CLARK
NAPIGILAN ng Bureau of Customs-Port of Clark ang tangkang pag-export ng P7.507 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride sa isang shipment na idineklara bilang “shaft drive model”, na patungo sana sa New Zealand noong Enero 3, 2024. Ang nasabing export shipment na nagmula sa Parañaque City ay unang na-tag bilang kahina-hinala sa pamamagitan ng X-ray Inspection Project personnel. Dahil dito, agad itong isinailalim sa K9 sniffing and physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre sa tatlong pakete ng white crystalline substances na may timbang na 1,104 gramo, na inilagay sa loob ng…
Read MorePORT OF BATANGAS NAGSAGAWA NG “BAYANIHAN PROGRAM” PARA SA CANCER VICTIMS
BILANG pasasalamat sa buong taon na nakalipas (2023), nagsagawa ng isang gift-giving activity ang Port of Batangas sa pamamagitan ng “Bayanihan program” sa pakikipagtulungan ng Cancer Warrior Foundation, Inc. kamakailan. Ang inisyatiba ay sa pamumuno ni District Collector Atty. Ma. Rhea M. Gregorio upang ipadama ang kanilang pagmamahal sa mga kabataan na may cancer. Layunin ng grupo ni Collector Gregorio na makita ang mga ngiti sa labi ng mga may sakit na cancer sa panahon ng Kapaskuhan. Kaugnay nito, sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang Port of Batangas…
Read MoreACCOMPLISHMENTS IBINIDA NG BOC-IG SA CONFERENCE
IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG) ang kanilang accomplishments sa isinagawang 4th Quarter Command Conference. Kabilang din sa mga tinalakay ang ‘share best practices, and set targets, plans, and programs for 2024.’ Bilang kinatawan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, inihatid ni Deputy Commissioner of IG Juvymax R. Uy, ang mensahe para sa mga kalalakihan at kababaihan ng Intelligence Group. Partikular dito ang kahalagahan ng kontribusyon ng IG sa pangkalahatang mga nagawa ng bureau at pagkilala sa mga pagsisikap ng grupo sa epektibong paglaban sa smuggling at iba pang klase…
Read MoreSINO SI DAVID TAN NA MATUNOG SA RICE SMUGGLING?
IMBESTIGAHAN NATIN ni JOEL O. AMONGO SINO nga ba itong si David Tan na pumutok ang pangalan sa usapin ng smuggling ng bigas sa bansa? Ilang taon na ang nakararaan, nagtakda ang Bureau of Customs (BOC) ng auction sa mahigit 4,600 metric tons ng smuggled rice. Ang bulto-bultong bigas na ito ay nasabat ng BOC sa shipments ng trading firms na nali-link kay David Tan. Dalawang magkahiwalay na auctions na itinakda ng Port of Cebu at Manila International Container Port (MICP), na inaasahang kikita ng tumataginting na P149 milyon ang…
Read MorePINAS, NO. 2 SA SOUTHEAST ASIAN NATIONS SA 2023 UN GLOBAL SURVEY
PUMANGALAWA ang Pilipinas sa ranking sa Southeast Asian Nations sa 2023 United Nations (UN) Global Survey na isinagawa kamakailan. Umakyat mula sa third spot sa nakaraang 2021 survey, ang bansa dahil sa patuloy na progreso sa paggawa ng makabagong mga proseso at pagkamit ng world-class customs administration. Ang nasabing survey na isinagawa ng iba’t ibang UN bodies, ay nagbigay ng malalim na pag-aanalisa sa progreso ng mabilis na kalakalan sa bansa at naitampok ang kahanga-hangang mga tagumpay nito sa pagpapaunlad ng kahusayan at pagtataguyod ng internasyunal na pakikipagtulungan. Sa pinakahuling…
Read MoreMISDECLARED FRESH AGRI-PRODUCTS NAHARANG NG BOC-POS
NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic ang misdeclared agricultural products sa nasabing port kamakailan. Ayon sa natanggap na mapagkakatiwalaang impormasyon, ang Port of Subic ay nag-isyu ng walong Pre-Lodgment Control Orders sa dalawang (2) Alert Orders laban sa labinlimang (15) 40-footer container van shipments na naglalaman ng lobster balls at frozen Surimi crab. Subalit sa isinagawang 100% physical examination, ang nasabing inalertong shipments ay natuklasang naglalaman ng iba’t ibang uri ng mga gulay (potatoes, carrots, broccoli). Ang nasabat na misdeclared agricultural products ay naging pakay…
Read MorePara sa pagpapahusay ng kalakalan BOC AT ARISE PLUS PHILS NAGKASA NG WORKSHOP
NAGSANIB ang Bureau of Customs (BOC) at ARISE Plus Philippines kamakailan sa pagsasagawa ng komprehensibong “Integrated Risk Management (IRM) Awareness, Risk Analysis, and Treatment Workshop” para sa pangunahing mga opisyal mula sa BOC Risk Management Office (RMO) and frontline officers na humahawak ng licenses at permits na makatutulong sa Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs). Nakalinya ang pagpapalakas ng mabilis na kalakalan, ang layunin ng ARISE Plus Philippines Project sa nasabing workshop ay mapahusay ang kahandaan ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsunod sa kanilang mga pangako sa tungkulin sa ilalim…
Read More