SMUGGLED YOSI HAGIP SA ZAMBO

TUMATAGINTING na P1.2-milyong halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo ang naibuslo ng lokal na pulisya sa Lungsod ng Zamboanga. Ayon kay Zamboanga City Police chief Col. Alexander Lo­renzo, nakatakda na ring ilipat ng lokal na pulisya ang kustodiya ng mga nasamsam na kargamento sa Bureau of Customs (BOC). Sa ulat na isinumite ng Zamboanga PNP sa BOC, dakong alas-3 ng madaling araw nang ilunsad ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbiyahe ng isang trak na puno ng kontrabando. Pagdating sa Barangay San Roque, lugar na binanggit ng…

Read More

MGA HUWARANG KAWANI KINILALA NG BOC-CLARK

KUNG meron mang dapat kilalanin sa likod ng walang puknat na tagumpay ng Bureau of Customs (BOC) sa pagkamit ng higit pa sa itinakdang target collection, sila yaong mga kawa­ning nagpamalas ng sigasig, husay at katapatan sa pagganap sa mandatong kala­kip ng trabaho. Sa kalatas ng BOC-Port of Clark, personal na binigyan ng pagkilala ni District Collector John Simon ang mga kawani sa nasasakupang distrito, kaugnay ng matapos magtala ng nakamamang­hang 17.88% increase sa monthly collection target ng BOC-Clark sa mga nakalipas na buwan. Bukod sa aspeto ng koleksyon, pinarangalan…

Read More

SMUGGLERS KAKAPUNIN NG TAMBALANG DOJ-BOC

(JOEL O. AMONGO)   ASAHAN ang lingguhang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga sindikato sa likod ng modus na puslit-kontrabando sa pinalakas na kampanya kontra smuggling ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Customs (BOC). Sa isang pulong, napagkasunduan nina Justice Sec. Crispin Remulla at Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang implementasyon ng mas pinalakas na mandato ng DOJ-BOC Task Force. Ayon kay Remulla, higit na kailangang tiyaking mananagot sa umiiral na batas ang mga sumasabotahe sa ekonomiya ng bansa, habang tiniyak naman ni Rubio ang mas pinaigting na…

Read More

RUBIO BIGLANG DALAW SA NAIA

SA hangaring tiyakin ang kaayusan sa implementasyon ng mga batas at reglamentong kalakip ng kalakalan sa mga paliparan at pantalan, binisita kamakailan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang tanggapan ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Paglilinaw ni Rubio, nais lamang niyang siguraduhing nasa ayos ang pangangasiwa ng Port of NAIA, kasabay ng papuri kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan sa aniya’y repormang inilatag sa naturang distrito. Bukod sa tanggapan ni Talusan, pinasadahan din ng BOC chief ang mga warehouse sa bisinidad ng pa­liparan. Kabilang sa mga binulaga ni…

Read More

P150-M ASUKAL SILAT SA SUBIC

MALAMANG sa hindi, magi­ging bahagi ng mga murang paninda ng Kadiwa ng Pa­ngulo ang nasa 30,000 sako ng asukal na nasilat ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City kamakailan. Sa kalatas ng BOC-Port of Subic, aabot sa P150 milyon ang kabuuang halaga ng mga “refined white sugar’ na nadiskubre sa 58 dambuhalang containers na nakabarega sa naturang pasilidad. Ayon kay BOC-Subic District Collector Maritess Martin, isang timbre mula sa Department of Agriculture (DA) ang nagtulak sa kawanihang pinamumunuan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio para…

Read More

BOC HUMATAW, P63B NAKALAP SA BUWAN NG PEBRERO – CFSO

HINDI naging balakid sa Bureau of Customs (BOC) ang kabi-kabilang intrigang ipinupukol ng mga senador at kongresista. Katunayan, higit pa sa itinakdang target collection para sa buwan ng Pebrero ang naitala ng kawanihang pinamumunuan ngayon ni Commissioner Bien­venido Rubio. Sa datos ng Customs Financial Service Office, umabot sa P63.015 bilyon ang kabuuang pondong nalikom ng ahensya para sa buwan ng Pebrero – labis pa ng P1.88B kumpara sa P61.827B Februa­ry target collection. Sa pagsusuri ng naturang tanggapan, lumalabas din na mas mataas ng P3.58B ang February collection ng BOC kumpara…

Read More

P1.4B SMUGGLED YOSI, KUMPISKADO SA SULU

Ni JOEL O. AMONGO MATAPOS magpaandar sa nalikom na pondo para sa buwan ng Pebrero, humataw ang Bureau of Customs (BOC) sa isang operasyon sa lalawigan ng Sulu kung saan kumpiskado ang tumatagin­ting na P1.4-bilyong halaga ng mga smuggled na sigaril­yo. Sa kalatas ng BOC, Marso 2 nang pasukin ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Division (CIIS) sa bisa ng Letter of Authority na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang isang bodega sa Barangay Kajatian sa bayan ng Indanan. Ayon kay Rubio, isang timbre ng kanilang impormante…

Read More

P1.5B PINEKENG LUXURY BRANDS HAGIP SA PASAY

TUMATAGINTING na P1.5 bilyong halaga ng mga palsipikadong signature items ang nasabat kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) sa Lungsod ng Pasay. Sa isang pahayag ng BOC, silat sa operasyon kontra smuggling na ikinasa ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) ang isang bodega sa panulukan ng FB Harrison Avenue at Kalye J. Fernando sa nasabing lungsod sa ga­wing timog ng National Capital Region. Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, higit na kailangan ang mas masigasig na kampanya ng kawanihan laban sa mga aktibidades na lubhang nakakasakit…

Read More

BOC OPS VS SMUGGLING APRUB KAY ROMUALDEZ

BINIGYAN ng pagkilala sa Kamara ang agresibong pagtugon ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng kabi-kabilang operasyon laban sa mga agri-smuggler, hoarder at profiteer. Sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, partikular na tinukoy ng lider ng Kamara ang pagsalakay ng mga ope­ratiba ng nasabing kawanihan sa mga bodega kung saan tumambad ang sandamakmak na suplay ng mga bilihin, kinakapos sa merkado – ang sibuyas at bawang. Para kay Romualdez, malaking bentahe sa Kamara ang [positibong pagtugon ng kawanihan sa kabila pa ng kabi-kabilang patutsada laban…

Read More