P3-M SHABU NASABAT, CONSIGNEE ARESTADO

MULING binigo ng mga kawani mula sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng tinatayang P3 mil­yong halaga ng shabu sa Port of Clark kamakailan. Bukod sa nakumpiskang drogang tumimbang ng halos kalahating kilo, timbog din sa ikinasang controlled delivery operation sa lalawigan ng Bataan ang consignee na kinilala bilang Arlyn Gemzon. Ayon sa kawanihan, naging mabusisi ang pagre­rebisa sa naturang bagahe matapos makatanggap ng timbre mula sa isang impormante kaugnay ng kargamentong naglalaman ng drogang nakakubli sa mga idineklarang damit mula…

Read More

P1.1B piniratang pamasko hagip sa Pasay AUTHENTIC PERO PEKE

ISANG malalimang imbestigasyon ang ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) sa naglipana sa merkadong piniratang produktong patok sa tuwing papasok ang kapaskuhan, kasunod ng pagsalakay sa isang bodega sa Pasay City kung saan tumambad ang bulto bultong smuggled counter­feit merchandise na pinani­niwalaang mula sa bansang Tsina. Sa tala ng ng Port of Manila, aabot sa P1.1 bilyon ang halagang nakumpiska ng mga pinagsanib na operatiba ng Intelligence Group (IG) at Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Right Division (CIIS-IPRD) sa Baclaran Wholesale Complex sa Pasay City. Bitbit ang isang letter…

Read More

Peperahin na lang kesa durugin SMUGGLED CARS ISUSUBASTA NA!

TALIWAS sa karaniwang ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nakalipas na taon, walang isasagawang public destruction ng mga smuggled luxury vehicles na nakumpiska sa iba’t ibang operasyon ng kawanihan. Sa halip, isusubasta na lamang ang lima sa daan-daang kumpiskadong mamahaling sa­sakyan sa hangaring makalikom ng dagdag kitang higit na kailangan ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng programang tugon kontra pandemya. Bilang pambungad, isa­salang sa public auction ang tatlong unit ng Mercedes Benz, isang Porsche at isa pang Ferrari kung saan umaasa ang Department of Finance (DOF) na makalikom ng…

Read More

BOC NAGBABALA KONTRA MODUS

KUNG wala rin namang inaasahang paparating na kargamento, walang dahilan para maniwala sa natatanggap na text messages na nagsasabing mayroong nakabinbing bagaheng dumating para sa iyo. Ito mismo ang buod ng mensaheng ipinalabas ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna ng mga naglipanang anunsyong direktang ipinadadala sa publiko. Binalaan din ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mga sindikato sa likod ng kabi-kabilang pakulong hangad lamang aniya’y manloko. Kasabay nito, nanawagan din si Guerrero na maging alerto at mapanuri sa mga natatanggap na mensaheng aniya’y kaugnay ng modus operanding laganap…

Read More

81K LITRONG PETROLYO, NASABAT MULA ENERO

HINDI naging pabaya ang Bureau of Customs (BOC) sa kampanya kontra fuel smuggling. Ito ang giit ng nasabing ahensya bilang tugon sa panukala ng isang kong­resista para sa pagbuo ng bukod na task force na sasagupa sa mga oil smugglers. Sa ulat ng BOC, ibinida nito ang over 81,000 litrong kanilang kinumpiska sa mga isinasagawang operasyon at pagpapatrolya ng kawanihan sa mga karagatang pasok sa mandato ng ahensya. Sa isang pagdinig na ipinatawag ng House ways and means committee, hiniling ng BOC sa Kamara ang pagtalakay sa nakabinbing panuka­lang pagbuo…

Read More

IMBENTARYO NG BAKUNA, INILABAS NA

BAGO pa man magsara ang taon, inilabas ng Bureau of Customs (BOC) ang imbentaryo ng mga lumapag na bakuna at iba pang medical supplies na kailangan ng pamahalaan kontra COVID-19 mula buwan ng Pebrero hanggang sa ikatlong linggo ng Nobyembre ng kasalukuyang taon. Batay sa datos ng BOC, umabot na sa 202 kargamento ang pumasok at dumaan sa iba’t ibang pasilidad sa saklaw ng kawanihan. Sa nasabing ulat, lumalabas din ini-release ang mga nasabing kargamento sa 164 batches (bugso). Sa tala ng kawanihan, pinakamarami ang pumasok na bakunang CoronaVac na…

Read More

P102-M tsaa-bu silat sa BOC LAKAS TAMA

SILAT sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Bureau of Customs (BOC) sa Caloocan City ang P102-milyong halaga ng drogang nakakubli sa mga pakete ng tsaa. Sa isang entrapment operation, arestado ang 42-anyos na residente ng Pasay City na si Randy Rafael Rodriguez, kasabay ng pagkumpiska ng 15 kilo ng shabu sa pag-iingat ng suspek. Bago pa man isinagawa ang operasyon kontra droga, una nang nakatanggap ang kawanihan ng isang intelligence report kaugnay ng mga kargamentong tsaa…

Read More

IMBESTIGAHAN NATIN

AANHIN pa ang damo kung patay na ang kabayo? Ito mismo ang kwento ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) na inabutan ng kanilang pagpanaw nang hindi man lamang nakuha ang insentibong kalakip ng kanilang katapatan, husay at sigasig para malagpasan ang itinakdang target collection ng puertong kanilang kinabibilangan. Sa isang mensaheng ipinaabot ni Reynaldo Galeno, dating kawani ng BOC, taong 2018 pa nila hinihintay ang insentibong nakasaad sa ilalim ng Republic Act 9335 (Lateral Attrition Law) na naglalaan ng bahagi ng anumang labis sa pondong nalikom ng isang…

Read More

JET FUEL SISILIPIN, TARIPA SUSURIIN

SA hangaring protektahan ang interes ng gobyerno, tinungo kamakailan ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) ang Petron Bataan Refi­nery sa Limay, Bataan kung saan nakalagak ang mga inangkat ng A1 fuel na gamit ng mga sasak­yang himpapawid. Partikular na tinutukan sa pagbisita sa pinakamalaking oil refinery facility sa buong bansa ang proseso sa daloy ng importasyon ng Jet A1 fuel. Bago ang pagbisita sa Petron Oil Refinery facility sa baybaying lokalidad ng Limay, nagpulong sina Customs Deputy Collector for Administration Atty. Ruperto Bustamante,…

Read More